Chapter 21

1.9K 81 0
                                    


Chapter 201


Neil's POV


Kahit na aalimpungutan ay pinilit kong bumangon para abotin ang phone ko na nasa ibabaw ng nightstand ko. Pagkakuha ay agad ko itong sinagot.

"Oh bakit?" wala sa gana kong sagot dito.

"Where are you? The culmination has already begun. The spoken poetry is about to start" sabi ni Lyle sa kabilang linya na hindi man lang nagdulot saakin ng ligaya dahil para saan pa at pupunta ako doon, nawala na saakin ang taong dapat sasadyain ko roon.

"What for? He already broke up with me last night" walang gana ko ulit na tugon sakanya.

"You two, what? How come is that?" sabi nito na hindi na ako nag-atubili pang sumagot na alam kong inintay ni Lyle ang magiging sagot ko.

"Come on Neil, you don't give up that easily." Dagdag nito nong hindi na ako nakasagot pa hanggang sa wala na talaga akong gana pang sagotin ito at inantay na ibaba na lang ang tawag ngunit hindi nito ginawa. "I know Lex still love you. He just said that he's still hoping..." huling sabi nito bago ibinaba ang tawag.

"What now Lyle? Hello Lyle! Lyle answer me... shit" mura ko nang binaba na niya ang tawag. Dali kong ibinaba ang telepono at daling pumunta ng banyo para maligo.

Hindi na rin ako nagtagal pa at lumabas ako ng kwarto. Kinuha ko ang susi ng kotse ko na bigay saakin nila Daddy bilang regalo nila saakin sa kaarawan ko. Agad ko itong pinaharurot papuntang school at nong makarating sa convention center kung saan nila ginawa ang culmination. Agad akong pumunta sa main door pero natigil naman ako nong biglang may tumawag saakin kaya napalingon ako sa likuran at doon ko nakita si Yonice.

"Neil? Anong ginagawa mo dito?" tanong nito saakin.

"Ikaw dapat ang tanongin ko niyan. Bakit ka nandito? Di ba dapat nagpapahinga ka lang?" tanong ko kay Yonice na ikinahiya niya at napatingin sa ibang direksyon.

"Kasi kasali ako dapat jan e pero umatras ako. Gusto ko lang makitang magperform yung mga kaklase ko bago kami aalis papunta America" paliwanag nito saakin.

"Aalis ka? Kailan? Bakit hindi niyo sinabi?" tanong ko dito.

"Wala ka na kasi kagabi pero napag-usapan na nila Papa at ng magulang mo na doon muna kami sa state kasi ayaw namen malaman ng karamihan ang sitwasyon ko. Papalabasin na lang namen na nagtransfer ako" sagot nito saakin na ikinatango ko na lang.

Sandali kaming nagkatinginan lamang at ilang minuto rin ang tinagal bago may magsalita saamin. Ako.

"Papasok ka sa loob? Tara sabayan na kita"mungkahi ko sakanya dahil kahit papaano tulad nga ng sinabi ni Elex na may resposibilidad na ako at dapat yun ang priyoridad ko.

"Si Elex baa ng sinadya mo dito?" biglang tanong ni Yonice saakin.

"Oo" tipid ko na sagot sakanya.

Hindi na ito nagtanong at sinabayan na lang ako sa loob. Nagkatinginan naman saamin ang karamihan nong makita nila kaming magkasabay pumasok ni Yonice pero binalewala ko na lang ito at hinanap si Lyle.

"Baka andon siya sa gallery, tara samahan kita" biglang sabi ni Yonice at hinawakan ang mga kamay ko na ikinatingin ko sakanya. "Tara nandito rin yung mga canvass nila"

Habang hawak ang mga kamay ko ay dinala ako ni Yonice sa mga naggagandahang mga painting. Namangha ako sa mga ito at sa paglilibot ko biglang dumako ang tingin ko sa isang painting na namumutangi sa lahat. Hindi ko halos maintindihan ang sarili nong tignan ko ang painting. Tanging nararamdaman ko ay kalungkotan at pag-asa. Hindi ko alam kung ano ang hinahatid na minsahe dahil halo-halo ang emosyon na nakapaloob rito.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon