Chapter 28
Neil's POV
'Di ko alam kung tama ba iyon, nadala lang naman ako sa bugso ng aking nararamdaman dahil alam ko sa sarili ko na kailangan ko iyon, kailangan ko siya at higit sa lahat nangungulila na ako sakanya. Hindi ko ibig na masaktan ko siya pero mahal ko siya at alam ng Maykapal na hindi ko iyon sinasadya pero kahit ganon ang nangyari ay kinailangan ko pa din ang manghingi ng tawad sa nagawa ko kung gusto ko pa siyang bumalik sa piling ko.
Kaya nabuo sa isip ko ang manghingi ng kapatawaran sa nagawa ko kaya wala sa isip akong nagmadaling lumabas ng bahay at tinungo ang sasakyan kong nakaparada lang sa labas. Dali ko itong pinaharurot papunta kina Elex at nong nakarating ako sa kanila ay natigilan naman ako dahil wala pa akong nabuong paliwanag upang paniwalaan niya. Naduwag lang din ako dahil alam kong may galit pa saakin ang mga magulang niya at isa ito sa humahadlang saakin para kausapin siya ng masinsinan.
Sa huli ay lumabas ako ng sasakyan at wala sa sariling pinindot ang doorbell sa labas ng kanilang bahay. Napalunok ako ng laway sa ginawa ko kaya inayos ko na lang ang sarili para at least magmukha akong disente.
Sa pangalawa kong doorbell ay ang pag-awang ng pinto nila Lex pero agad naman itong isinara kaya muli akong nagdoorbell at naghintay. Wala akong pakialam kung abutin ako ng magdamag dito basta gusto ko lang siyang makausap.
Sa dami ng iniisip ko ay muli na sana akong magdoorbell ng natigilan ako nong may nagsalita sa harap ko.
"Wala siya dito kaya tigilan mo na ang anak ko" sabi ng Papa ni Lex na ikinanerbiyos ko.
"Tito gusto ko lang siyang kausapin, kahit dito lang ako sa labas. Ayus lang saakin." Lakas loob kong sabi dito para hindi ipakita na naduduwag ako kahit na may kasalanan ako. Paninindigan ko na ngayon si Elex at wala na akong pakialam kanino man.
Pero iniisip ko pa lang si Yonice at kung sakaling anak ko nga ang dinadala niya ay para gusto kong kainin lahat ng mga sasabihin ko pa para mabulunan ako at mamatay na lang. Ang hirap mamili sa kanila.
"Wala nga dito ang anak ko kaya umuwi ka na" may otoridad na sabi nito.
"Pakiusap na po Tito, nagmamakaawa po ako sa inyo" pakiusap ko pa dito pero nakita ko na lang ang pagtiim ng bagang nito na parang naiinis na saakin.
"Wala nga sabi ang anak ko dito kaya bago pa muling magdilim ang paningin ko sa'yo ay umalis ka na. Wala kang karapatang kausapin ang anak ko pagkatapos ng ginawa mo. Alam ko namang walang madadatnan sa'yo ang anak ko pero hinayaan ko dahil nakita kong masaya siya sa'yo. Pero ano itong ginawa mo?
Alam ko namang pareho tayong lalaki Hijo, pero alam ko din kung ano ang kasarian ng anak ko at hindi malabong hindi niyo na nagagawa ang mga bagay na yun dahil nong may mabuntis ka ay baka nga ginawa mo na rin iyon sa anak ko ang kaso lang hindi niya kayang magduwal ng bata, kaya pakiusap umalis ka na. Sinakripisyo ko na ang kaligayahan ng anak ko sayo pero huling beses mo na yun magagawa kaya kahit lumuhod ka pa riyan o magmatigas ay hindi na ako papayag na makalapit ka pa sa anak ko, kaya alis na kung ayaw mong magsuntokan tayo riyan sa labas" mahabang salaysay ng Papa ni Lex na labis ko na lang ikinabahala.
Hindi ko naman maiwasang magduda siya saakin dahil bilang magulang na siguro ay isa sa pinaka ayaw mong mangyari sa anak mo ay ang masaktan sila. Naiintindihan ko ang galit niya saakin at wala na akong magagawa roon pero tanging hangad ko lang ay makausap at magmakaawa sa kanya na mahalin ako muli.
Magsasalita pa sana ako para ipahayag naman ang saloobin ko ngunit natigilan ako nong biglang may magsalita sa likuran ko.
"Neil? Anong ginagawa mo dito? Nasaan na si Elex?" sunod-sunod na bungad na tanong saakin ni Cloudi nong tawagin niya ako.
Sasagotin ko na sana ito pero biglang nagsalita si Tito na ikinatingin samin sakanya.
"Hindi niyo kasama ang anak ko?" tanong nito.
"Hindi po Tito Samuel eh, akala namen kasama niya itong si Neil dahil kinalakad niya palabas ng Convention Center si Lex para ipagpilitang isama sakanya" diritsahang tugon ni Jandi na ikinakaba ko.
"Kakaalis lang niya kanina para puntahan kayo dahil may camping daw kayo sainyo Dexter" tugon ni Tito sa kanila.
Mas lumakas ang tibok ng puso ko na parang nabibingi na ako sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit ganito pero para kasing may mali dito. Alam kong uuwi na si Lex dito sa kanila matapos ang pangyayari kanina pero bakit itong tugon ni Tito ay sabing wala talaga si Lex sa kanila at kasama sila
"Hindi rin po namen matawagan si Elex kanina pa dahil nanalo po yung Painting at Poetry niya kaya hito po yung mga rewards niya dala namen." Paliwanag ni Cloudi at lumapit sa may gate nong pagbuksan ito ni Tito para ibigay yung painting na bitbit na tinanggap naman ni Tito.
Natigilan naman ako nong makita ko itsura ng painting na dala nila, ito yung nakita ko kanina. Kaya pala may kakaibang dulot saakin ang painting na ito dahil gawa ito ng mahal ko at ng kanyang nararamdaman ngayon na pawang mga kalungkotan dahil nakasaad sa painting ang nararamdaman niya.
Sobrang kalungkotan ang lumukob sa akin sa nagawa ko sakanya. Talagang grabing kalungkotan ang naging hatid sa kanya ang nagawa ko.
"Kung hindi niyo kasama si Elex at kasama nitong si Neil ay bakit hinahanap niya saakin si Elex?" sabi ng Papa ni Elex na ikinatingin ko dito. "At bakit sabi ng anak ko na kasama niya kayo kung hahanapin niyo lang din siya saamin? Ano ba talaga ang nangyayari?" dagdag ni Tito na ikinatakot ko na dahil sa pagpukol ng tingin ni Tito saakin na alam ko na namang kasalanan ko na naman ito.
"Ano na namang ginawa mo Neil?" bulyaw saakin ni Jandi na ikinakaba ko.
Grabing takot na ang sumakop saakin ko nong makita ko ang pagdidilim ng mga tingin saakin ni Tito na parang ilang segundo lang ay parang buburahin na niya ako sa mundo.
"Pasensya na po kayo, nagpagbuhatan ko po siya ng kamay..." hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay isang malakas na suntok ang tumama saakin na naging resulta ng pagtama ko sa konkreto habang nalalasahan ko na ang dugo sa aking bibig sa ginawang pagsuntok ni Tito saakin.
"Tangna mong bata ka! Ni minsan hindi ko pa napagbuhatan ng kamay ang mga anak ko pero ikaw. Ikaw! Tangna mo nagawa mo sakanya yon? Hindi pa ba sapat sa'yo yung pananakit mo sa damdamin niya? Pati ba naman ang pagbuhatan ng kamay si Lex ay ginawa mo rin? Hindi ka pa ba makontento?" bulyaw saakin ni Tito.
Sa ginawang yun ni Tito ay hindi ko na lang din napigilang ang paglabo ng aking mga paningin dahil sa mga luhang namumuo na sa aking mga mata. Masakit tanggapin na kahit higit pa dito ang dapat maranasan ko sa pananakit ko muli kay Lex ay gusto kong tanggapin ang mga ito dahil kulang pa ang dapat maranasan ko na sakit sa pananakit ko kay Lex.
"Pakiusap po, gusto ko pong makausap si Elex. Kahit ano pong pananakit na galing sainyo ay malugod ko pong tatanggapin basta po makausap ko lang muli si Lex" sabi ko habang unti-unti akong lumuhod sa harap nito.
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani saamin lahat at tanging mga tunog na gawa ng kalikasan ang tanging naririnig ko sa paligid bago ko pa muling narinig ang pagsara ng malakas sa gate nila. Hindi ko na lang din napigilang humagulhol ng iyak sa nangyari.
"Neil..." dinig ko na pagsusumamo na boses ni Cloudi ngunit sumabat naman agad si Jandi sa sasabihin sana nito nang biglang may bumagsak at nawasak na bagay sa harapan ko.
"Hindi kailangan ni Lex ang tropeyong yan dahil ang mga bagay na tulad ng ganyan ay nakukuha sa masayang paraan, hindi sa kalungkotan... Tara na Cloudi, iwanan na natin yan" sabi ni Jandi at ang kasunod nito ang pagharurot ng sasakyan nila palayo sa akin.
Nakuyom ko na lang ang mga palad ko sa inis sa sarili ko dahil sa pagiging mapusok ko. Kung bakit ba nasisilaban agad ako ng pagnanais ko sakanya pero kalaunan naapula lang ng lamig ng kalungkotan na naging katumbas na pananakit ko sakanya.
Hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ako ganito, kung kailan pa ako magdurusa at aasa sa maibabalik ko pa ang dating kami ni Elex dahil sa tingin ko lahat ng tao sa paligid naming ay nawawalan na din ng pag-asa para sa amin. Pero ayaw ko siya basta-bastang talikuran dahil alam ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa din siya.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
JugendliteraturElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...