Chapter 52
Elex's POV
Hindi ko pa rin natityempuhan ang naglalagay ng bulaklak sa lamesa at kahit anong pilit ko na antayin siya ay parating na lamang akong nakakatulog. Kaya sa inis ko ay hindi ko na kinuha ang mga bulaklak doon at hinayaang malanta o mamatay. pero kahit iyon ay hindi pa rin ito natinag. Minsan kinakabahan na ako sa mga pagkakataon na parating may ibang tao ang pumapasok sa silid ko sa gitna ng gabi at nag-iiwan ng bulaklak.
Minsan iniisip ko rin na baka minumulto ako ng kung sinong hindi matahimik sa mansyon na ito at kung sakali man na ganon ay magtatanong na talaga ako sa mga nangyayari dito.
"Insan, gusto mong sumama sa strawberry farm?" mungkahi ni Dianne at sinadya pa talaga ako dito sa kuwarto ko habang nagbabasa.
"Sige magbibihis muna ako..." tugon ko rito dahil kuwento nila sa akin ay malamig ang Sitio na iyon dahil nasa tuktok ito ng bukid.
Paglabas naming ay umiiyak pa si Zeus dahil gusto nitong sumama sa amin pati na rin si Deme pero pinagsabihan ito na huwag dahil medyo malayo ang pupuntahan namen. Pinangakoan ko na lang ang dalawa na dadalhan ng mga strawberry.
"Lex, dito ka na sumakay kay Marcus..." ngiting sabi ni Troy sa akin na ikinatalima ko.
Nakasampa na ako sa likod ni Marcus ng hindi ko maiwasang hindi mailang sa matang kanina ko pa napapansin na tumititig sa akin. Hindi ko na sana ito papansinin pero may kung ano sa akin na gusto ring tignan ito para ikumpirma sa sarili at hindi nga ako nagkamali lalo na at nag-iwas agad ito ng tingin nang mahuli koi to. Bigla namang gumawa ng ingay ang kabayong sinasakyan nito na parang tinatawanan siya.
Habang tinatahak namin ang daan patungo sa Sitio na yon ay napansin ko ang takbo naming na medyo mabilis ay magkatapat lang kami nong nangangabayo sa isang kabayo. Nakakailang dahil pakiramdam ko sinasadya niya ito.
Hindi na rin ako nagreklamo at baka ganon nga lang ito.
"Oh bat parang ang bagal na ng takbo ni Damian, nauungasan na siya ni Marcus oh... Parang nauulyanin na tong si Damian" natatawang banggit ni Troy nang mapansin rin ang takbo ng kasama naming kabayo.
Napatingin naman ako dito at nahuli ko na naman nakaw tingin niya sa akin.
"Di ko nga rin alam eh" hilaw na tawa nito na parang napahiya pa ito.
Hindi ko na lang sila pinansin sa pangangantyaw nilang dalawa dahil nararamdaman ko na ang lamig sa aking mga hita. Ang bobo ko naman kasi alam kong pupunta kami sa malaig na lugar pero ano itong sinuot ko. Maiksing short pero nakajacket.
NAMANGHA ako sa lagi ng kapatagan dito sa itaas kahit na nasa bukid kami ay hindi ko alam na may ganito rito. Mas lalo pa akong namangha sa naggagandahang mga tanim lalo na ang iba't ibang klasi ng bulaklak. Naalala ko tuloy yung bulaklak na parati kong nakikita sa lamesa sa tabi ng kama ko. Gusto ko sanang hanapin ito kaso tinawag na nila ako sa greenhouse para ipakita sa akin ang mga tanim na mga strawberry.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng makita ko ang mismong tanim ng strawberry.Nakatanim ang mga ito sa malalaking tubo na binutasan at ang nakakamangha pa ra elevated ito at kay daling pitasin.
"Troy, pweding kumuha?" tawag ko dito para magpaalam na pipitas ako ng prutas.
"Oo naman, basta huwag mo lang ubusin lahat" natatawa nitong sabi sa akin at bumalik sa kanyang ginawang pagsusuri sa mga tanim kasama ni Dianne.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Novela JuvenilElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...