Chapter 86
Elex's POV
Pagpipinta ang naging libangan ko sa kabila ng lahat na masalimuot na nangyari nitong nagdaang tatlong taon. Binuhos ko lahat ng emosyon ko sa mga larawan na naiguguhit ko at pinagbibili ito upang kalimutan ang mga kahapon. Malulungkot man ang mga ito pero ito yung nagbigay daan para simulan ko ang buhay ko. Panibagong yugto para sa sarili ko.
"Lex, may international call ka" tawag sa akin ni Cloudi.
Agad kong lumapit dito at sinagot ang tawag habang abala muli si Cloudi sa pag-aasikaso sa darating na Exhibits ko, siya kasi ang organizer ng event. Kagabi lang natapos ang Exhibit sa Sunshine Foundation at inimbitahan ako muli ni Mrs. Torelba roon. Naging auction sa huli yung dalawang pinta ko na talagang pinag-aawagan, lalo na si Nico.
Kahit abala ito sa pag-aaral ng Engineering ay hindi nito nakakaligtaan na bisitahin o dalawin ako rito. Tumutulong pa rin siya sa akin lalo na tuwing kailangan ko ng modelo para sa magiging figure ng tao sa paintings ko. Siya nga din ang ginawa kong modelo sa huli kong pinta, na siya din ang bumili.
"Hello, Elexis Creer speaking" tugon ko sa tawag bilang pormal rito.
"Lex, did you see the pictures I emailed you?" medyo nagulantang ako sa tumawag kasi minsan lang si Lyle na tumatawag sa akin mula sa ibang bansa. Hindi pa rin ito umuuwi dahil nag pursue ito ng Masteral Degree sa Architecture pero sa tuwing gagala ito sa London o sa France ay parati itong kumukuha ng mga larawan na parati niyang pinapadala sa akin lalo na ngayon at kailangan ko ng mga inspirasyon.
"Oh I'm sorry, I was busy with the Exhibit last night but I will go check on them, thank you Lyle" pagkabanggit ko ng pangalan nito ay napabaling agad ang tingin ni Cloudi sa akin.
"Si Lyle iyan? Dali bigay mo sa akin" pabulong na sabi nito sa akin at maligalig na nilalahad ang kamay para kunin sana yung telepono na inirapan ko lang.
"Ang daya naman..." pagmamaktol nito na ikinangiti ko rito.
Hanggang ngayon ay hindi pa mamatay-matay ang damdamin niya para kay Lyle pero may mga pangyayari sa buhay nina Lyle na wala itong alam at iilan lang kaming nakakaalam dito. Hiniling nito na huwag ipagsabi at nirespeto namin iyon.
Pagkaupo ko sa swivel chair ay inipit ko ang telepono sa aking leeg para buksan ang akong laptop. Agad kong tinignan ang mga ito at sobra akong namangha sa mga pinadala nito na larawan. Talagang kakaiba kumuha si Lyle ng mga lugar dahil mas lalong umaangat ang ganda ng lugar sa mga kuha niya.
"Wow they are all beautiful, thank you Lyle... I will paint them all" maligalig ko na sambit rito sa tuwa dahil sa natanggap ko sa kanya.
Sobrang laki ng papasalamat ko sa kanya dahil nakukuha ko ang mga ito ng libre pero sinabihan ko na siya na ipagbili rin ang mga ito pero ayaw daw niya. Hindi ko na rin pinilit kasi nakakabenepisyo naman ako. Pero gusto ko pa din napagkakitaan niya ito.
"How I wish you could sell them too... sobrang ganda Lyle" dagdag ko.
"Nah, I don't mind just give Papa some of your piece then I would be glad" tugon nito na ikinangiti ko.
Sabi ko na nga ba na ganito ulit kaya napabuntong-hininga ko rito na ikinatawa niya sa kabilang linya.
"Papa really do love your works" anang dagdag nito.
"But you need to pay me too for my talent, the materials and mostly the essence of the painting" agad ko na sabi nito na ikinatawa niya muli dahil natutunogan niya ang pagkairita ko. Lagi na kasi itong nakakalibre sa akin ng mga painting ko. Mahal na kaya ang mga gawa ko simula nang gumawa ako ng pangalan sa larangan ng pagpipinta.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Fiksi RemajaElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...