Chapter 80

1K 38 11
                                    


Chapter 80


Rain's POV



Ngayon ko lang natinguha na sobrang ikili lang pala ng panahon na ibinigay sa amin. Para lang silang halik sa hanging ang pag-ibig na sandali lang nabuhay sa mga puso namen ngayon, isang panandaliang daplis ng sandali na pinadama lang sa amin at hito ako nagdurusa ang damdamin ko na nadudurog.

Lubha na akong nasasabik na makita siya. Gusto kong maranasang bumalik sa mga halik sa labi at piling niya. Kung maaari lang huminging ibalik pa yung pag-ibig naming natagpuan dalawa yung may nakikita pa akong araw bago naglaho ang liwanag nito na tuloyang ikinabagsak ng aking mundo sa pagkawalay ko sa taong pinapangarap ko.

Hindi ko na yata talaga mapanatili ang lahat dahil naubos na ang oras at ang mga luha ay natuyo na dahil nauunawaan ko ang lahat na masasaktan lang ako sa tuwing maaalala ko. Ngayon ay wala na ako doon sa piling niyang wala ng karampot na pag-asa. Hingin ko man sana na magkaroon pa ng isang pagkakataon na ibalik yung kahapon nung kami lang dalawa at dahan-dahan kong papawiin sa kanya ang sakit.

"Lex..." sambit ko habang tinitignan ang kanyang bagong kuhang larawan ni Lyle.

Walang pinagbago ang kanyang itsura at para lamang akong nahuhulog sa kanya. Sa bawat araw na dumaan ay hindi siya nawala sa isip at puso ko at hanggang ngayon pinanghahawakan ko ang pag-ibig ko sa kanya kahit wala nang pag-asa.

"How long could you stare his picture?" anang tanong ng kakambal ko sa akin.

"I'm wondering who's making him this sweet genuine smile... not those obscure smiles that I always kissed... " may pait sa tuno nang boses ko nang banggitin ko iyon. Napatingin ako sa mga labi nito at sadyang masasakit lang din na alaala ang bumalik sa akin. "Bitter and sweet lips, that's what I always tasted..."

We both know now who's the root of all this turmoil and it was such a pain for Neil to know that Lyle did this to us all. It was a dumbfounding moments and we are not expecting that time Lyle could spill out that heartbreaking truth. My twin decided to never take a contact to those people he left, only that it will brings loneliness.

"All along... Lex is the one who's hurting the most" Neil suddenly uttered.

Napakasakit nga ng dinaranas niya ngayon dahil siya ang na-iipit sa lahat ng ito. Habang iniisip ko pa lang iyon ay para na akong sinaksak at sa puso ko bumaon ang pinakamatulis na balisong na dulot ng pasakit ni Lex. Hindi niya dapat maranasan ang lahat ng ito.

Nahihinuha ko ang lahat at parang lutang ang isip ko at tela yung katawan ko ay namatay dahil namamanhid ito. Gusto kong tapusin ang paghihirap namin pero distansya naman ang humahadlang sa akin. Hindi ko na makayanan ang lahat ng ito at gusto kong puntahan at yakapin siya ngayon.

Natigil kami ni Neil sa masinsinan naming pag-uusap nang bumukas ang pinto ng kuwarto nila at lumabas si Zeke doon na nagkukusot ng mata. Nang makita kami nito ay angtatakbo ito kay Neil at yumakap ng mahigpit.

"Dada, why you look sad... Mama is sad too. You two fight again?" anang sabi ni Zeke na ikinabahala namen.

Sobrang tagal na rin pala dahil ito na ang anak ni Neil, lumalaki na at nagkakaroon na ng muwang sa mga nangyayari sa kanyang palibot.

Saglit na napatingin si Neil sa akin dahil sigurado akong naghahanap ito sa akin ng masasabi niya sa kanyang anak kaya ako na ang sumalba sa kanya dahil nakaawa rin ang pamangkin ko na hindi pa sigurado ang pamilya. Ang saklap nito dahil kailangan niyang maranasan ang ganito sa murang edad. Hindi na talaga kasi magkasundo si Yonice at Neil na parating nauuwi sa pagtatalo.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon