Chapter 73
Neil's POV
Nagmamadali akong pumasok ng bahay at daling tinungo ang opisina ni Daddy para ipaalam ang magandang balitang natanggap ko. Sa sobrang excited ko ay hindi ko na nagawang kumatok pa at pinihit agad ang siradora nang umawang ng kaunti ito ay narinig ko ang masinsinan nilang pag-uusap nina Tito Jay kaya bahagya akong natigil nang marinig ko sila.
"Why can't it be no more Kent? Why can't I have you? You know I'm willing to wait..." mariin na sabi ni Tito kay Daddy na ikinatigil ko na tuloyang buksan ng pinto.
"I don't want to give you false hope, Jay... you've keep on waiting and I don't want to be unfair to you" umiiyak na tugon ni Daddy.
Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang narinig ang pag-iyak ni Daddy. Buong buhay ko alam kong matigas ang kanyang damdamin. Hindi ko siya nakita o narinig na maging emosyonal tulad ng ganito.
"Aren't you thinking that you're doing it right now?" rinig ko na ang pagkabasag ng boses ni Tito Jay.
Muli ko na lang isinarado ang pinto nang hindi gumagawa ng tunog sa pinto para hindi nila malaman na nakikinig ako sa kanilang usapan.
Noon pa man ay matagal nang sinusuyo ni Tito Jay si Daddy para magpakasal sila. Lahat ay nakaplano na at ang mga magulang pa ni Tito Jay na si Lola Tilda ang nag-ayus na ng lahat. Nakaplano na ang napakalaking okasyon na iyon ngunit tanging hinihintay lang ng lahat ay ang magiging kasagutan ni Daddy.
Napakawala na lang ako ng isang malalim na buntong-hininga dahil alam namin kung bakit ayaw pa ni Daddy na magsettle. Pero naparito ako para iparating sa kanila ang magandang balita na alam kong magiging kasagutan ng lahat ng ito.
Akmang kakatok na ako nang kusang nagbukas ang pinto at doon tumambad sa akin ang gulat ng ekspresyon ni Tito Jay nang makita ako dito sa harap ng opisina ni Daddy. Bakas sa mga mata nito ang pagkabigo.
"Hey, how long you've been standing here?" untag nito sa akin habang pinapakita ang pilit na mga ngiti nito.
"Just now lang po Tito, kakatok na sana ako to tell Daddy something" tugon ko rito na ikinangiti niya ulit.
"Okay, I'll be leaving for now kiddo" sabi nito at ginulo ang buhok ko.
Balak ko pa sana na sa kanilang dalawa ko ito unang sasabihin pero para atang mali pa ang tyempo ko, ngunit kahit si Daddy man lang muna ang makakaalam dahil kakambal ko ito.
Hindi ko na rin napigilan si Tito dahil sa agad na itong nakalabas ng bahay habang ako ay tumuloy na sa loob para kausapin si Daddy. Nakayuko ito sa mga dokumento na kanyang nilalagyan ng mga lagda niya. Naghintay ako saglit para tignan niya ako ngunit hindi nito ginawa kaya sinabi ko na ang pakay ko.
"Dad, I need to say something important to you" sabi ko ngunit hindi pa rin ito tumigil sa kanyang ginawa at nanatiling nakatingin sa mga papeles niya.
"I guess you heard us arguing about the same issue" anang sabi ni Daddy sa akin at sandaling binigyan ako ng isang tingin para antayin ako sa magiging sagot ko sa kanya.
"Yes but it's more important than that..." tugon ko na ikinailing niya at muling ibinalik ang tingin sa kanyang ginawa.
"Hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng may usapan..." hindi makapaniwalang sambit ni Daddy sa akin.
Minsan hindi ko matagalan ang pagiging malamig niya sa akin lalo na at parati kong sinasaksak sa isip ko na ako parati ang sinisisi niya sa lahat. Mula sa nangyari kay Mommy hanggang sa mga maliliit na bagay ay hindi niya pinapalagpas sa akin.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Novela JuvenilElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...