Chapter 29
Elex's POV
Nong nagsimula na ang lahat kumain ay hindi naiwasang magtanong ni Tito kung bakit ako napunta bigla sa bukid lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawaglit sa isip nila ang nangyari noon. Kinamusta naman ako nila pero ang ikinabigat ng dibdib ko ay ni minsan ay hindi nila nabanggit si Papa o sadyang iniiwasan lang nilang pag-usapan pa namen ang kahapon dahil na rin kay Lola.
Pero hindi ko naalis sa kanila ang katanongang kung bakit ako napadpad dito bigla. Ayaw kong sabihin ang totoo pero hindi naman siguro masama ang magsinungaling sa kanila.
"Noon ko pa pong gusto pumunta rito kaya hindi ako nagsabi sainyo. Pasensya na po, baka kasi hindi ako payagan nila Mama." tugon ko kay Tito na tumango sa naging sagot ko sakanya.
"So your father didn't know that you are here, aren't he?" biglang tanong ni Lola na ikinatingin namen sa kanya lahat.
Nakaramdam agad ako panunuyo sa lalamunan ko sa gagawin ko pang kasinungalingan sa kanila pero wala na akong ibang maisip pa.
"Opo.." tugon ko kay Lola at nag-iwas ng tingin dito at sa mga tao sa paligid.
Minsan gusto ko nang batukan ang sarili ko sa hindi pag-iisip ng tama. Kung bakit hindi ko agad ito naisip simula't sa una pala lang na nakipaghiwalay ako sakanya. Kaya hito ako ngayon nagsisinungaling sa pamilya ko at ayaw kong gawin ito dahil minsan na ring nagsinungaling ang mga magulang ko sa kay Lola.
Nakita ko ang pagkibit-balikat ni Lola habang nagpakawala ng isang buntong-hininga bago muling tinapos ang huling subo ng kanyang pagkain at saka tumayo na at umalis ng hapag. Ako naman ay parang nawalan ng gana sa pagkain dahil sa ginawa ko ngayon. Para kasing mas lalo ko pang pinalala ang lahat.
Nagpasalamat na lang nong matapos akong kumain para makaalis sa hapag at pumunta sa kuwarto na inihanda para saakin. Hinayaan ko na lang ang sariling mag-isip kung mananatili ba ako dito dahil sa isang linggo pa babalik sila Tito sa Manila. Pero puwede naman akong umuwi na lang mag-isa kaso hindi ko alam ang pauwi ng Manila lalo na at hindi ako sanay sa mamalayong biyahe.
Hindi ko na lang namalayan habang nakahigang iniisip ang gagawin ko ay nakatulogan ko ito. Nagising ako nong biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto na tinutulogan ko. Nong buksan koi to ay nakaabang saakin ang isang nakangiting ginang.
"Tawag ka na sa baba para magtanghalian na Hijo" sabi nito nong pagbuksan ko ito.
"Sige po salamat ahm..." natigilan ako saglit dahil hindi ko alam ang itatawag dito dahil tingin ko hindi pa ito masyadong matanda para tawaging manang.
"Shielo na lang Hijo, sige baba ka na inaantay ka na ni Diane" sabi nito at saka na ito umalis.
Ako naman ay bumalik sa loob para tignan ang oras kung tanghali na ba talaga at nakita kong halos mag-ala una nap ala at medyo nakakaramdam na ako ng gutom dahil kunti lang ang nakain ko kanina.
Kinabahan naman ako nong papunta na ako ng hapag dahil baka hinintay nila ako bago sila kumain. Ganon pa naman kapag nasa isang bahay na may matanda. Pero si Diane lang ang naabutan ko roon na kumakain kasama ang ibang kasambahay lalo na yung bago ko pa lang nakakilala na si Shielo.
"Oy, kumain ka... tagak mo namang bumaba" sabi nito bago sumubo pa ng pagkain.
Umupo na rin ako at nagsimulang magsalin ng kanin sa plato ko nang biglang may sinabi si Diane saakin.
"Gusto mo bang sumama saakin?" tanong nito.
"Saan?" tanong ko rin dito.
"Sa Sito Cinco, doon sa taniman ng kamatis at talong. Titignan ko lang yung mga inu-onserbahan ko na mga tanim na inataki na ng piste. Para maipaalis ko na para hindi kumalat. Saka tignan natin sila Kuya na anihin yung mga patatas." Mungkahi nito saakin na sinang-ayunan ko na din dahil ayaw kong mabagot dito sa mansyon baka matulog lang ako buong maghapon.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Teen FictionElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...