Chapter 50
Elex's POV
Nitong mga nakaraang araw ay parati ko ng kinukulong ang sarili ko sa kuwarto, wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa na lamang ng mga libro mula sa aklatan ng mansyon pero ngayon ay kakaiba na ang libro ko na nabasa lalo na at may nakalakip na sulat dito.
"Nagmamahal, Joaquin" basa ko sa pinakahuling salita ng sulat.
Naging isang katanongan sa aking isipan kung sino itong si Joaquin at tila napakalungkot ng mga salitang kanyang isinulat para sa nagngangalang Sandra. Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit sobrang kay bigat ng damdamin ko. Siguro dahil sa sulat at ang nilalaman nito.
Naghanap pa ako ng iba pang mga pweding tumugon sa aking mga katanongan ngunit wala ng ibang sulat dito maliban na lang sa isang tuyong bulaklak na inipit dito sa libro sa pahina ng tatlong daan at limampu't anim.
Muli kong tinignan ang bulaklak pero napagalaman ko na hindi ito tumutubo rito kundi sa ibang bansa lamang sa malamig na temperatura.
"Elexis, tulungan mo naman ang Mama sa pagluluto" natataranta akong itago ang sulat pabalik sa libro dahil sa biglaang pagpasok ni Papa sa loob ng aking silid.
"O-o-oo po" agad ko na tugon rito kahit na uutal ako sa pagkabanggit non.
"May problema ba anak?" agad ring tanong ni Papa nang makita niyang hindi ako makapakali sa aking inuupuan habang tinatago ko ang libro sa ilalim ng aking unan.
"N-na gulat lang kasi po ako" pagdadahilan ko kay Papa.
"Pasensya ka na... hali ka na sa baba dahil malapit na ma'nanghalian" sabi ni Papa bago ito lumabas ng aking silid. Ako naman ay muling kinuha ang libro sa ilalim ng aking unan at itinago ito sa ilalim higaan. Pakiramdam ko kasi parang may hindi tama sa nangyayari lalo na sa sulat na iyon.
Pagkababa ko ay agad akong nagtungo sa kusina para tulongan sila Mama na magluto. Pinahiwa niya sa akin ang ibang rekado at nong matapos ako ay pumunta ako sa aklatan para maghanap pa ng kakaibang bagay, pakiramdam ko kasi may iba pang mga bagay na makakasagot sa mga tanong ko.
Pagkapasok ko roon ay dumako agad ang tingin ko sa nag-iisang malaking larawan ng silid. Walang iba kundi ang larawan ni Lola Esperanza. Tunay ngang kay ganda niya dahil kahit sa litrato lang ay kukunin talaga ang atensyon mo lalo na ang mga ngiti nito. Inisip ko na ganito rin kaya ang ibang tao kapag nakikita nila ako? Ganito rin kaya ang iniisip nila tulad ko?
"Hoy insan, parati ka na lang nakatingin jan kay Lola. Baka mamaya kawayan ka niyan..." pananakot sa akin ni Dianne ng pumasok ito sa silid na may bitbit rin na maraming libro.
"Ano yan?" untag ko dito habang nilalapag niya ito sa study table.
"Mga aklat ko noon sa college sa pest management" tugon niya sa katanongan ko habang inaayos ito at inilagay sa isang shelf.
Sinundan ko lang ang mga ginagawa ni Dianne nang hindi inasahan na matabig niya yung isang rebulto na kamuntikan ng mahulog. Mabuti na lang at madali lang din akong nakaresponde kundi mahuhulog ito at masisira. Ibinalik na lang namen sa ayus yung istatuwa nang hindi ko inasahang mahagip sa aking tingin ang mga litrang nakaukit sa frame ng isang painting.
"J.A?" bigkas ko dito na ikinatingin ni Dianne sa akin.
"Joaquin Alvaro..." biglang sabi ni Dianne na ikinatingin ko sa kanya.
"Sinong Joaquin Alvaro?" tanong ko dito na ikinataas ng isang kilay niya.
"Seriously insan... hindi mo kilala si Lolo? Unbelievable." Tugon ni Diance at napailing sa akin.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Novela JuvenilElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...