Chapter 18
Elex's POV
Nong marinig ko ang malalim niyang boses ay agad gumalaw ang katawan ko para lingunin ang taong nagsalita nito. Agad naman akong nakaramdam ng kaba nong masilayan ko ang mukha niya na kay tagal ko ng hindi nakikita. Mas tumindi pa ang kaba ko nong lumapit ito sa kinaroroonan namen magkakaibigan at biglang inabot ang damit ko at inayos ito dahil dumulas na pala ito pababa sa balikat ko.
Mula sa pagkakatingin sa kamay niyang inayos ang damit ko ay sinundan ko ng tingin ang braso niya hanggang sa titigan ko ang mukha niya. Seryoso itong nakatingin sa balikat kong tinatakpan niya ngayon ng maluwag ko na damit.
"Bakit ganitong ang klasing damit ang suot mo? Masyadong maluwag at nakikita na ang balikat mo" sabi nito na hindi ko man lang inalis ang tingin ko dito.
Sandali akong napatitig sakanya at ganon rin ito saakin at tila ba lahat ng sama ng loob ko sakanya ay naglaho lang sa isang iglap dahil lang sa mga ganitong simple niyang gawain tulad ng pagpapakita ng pagaalala saakin kung hindi lang tumikhim ang kasama ko na kanina pa pala nakamasid saamin.
"Oh sorry guys, hali kayo sa loob huwag kayong mahiya dahil kayo naman ang main guest ko" yaya saamin ni Neil pero agad itong pinigilan ni Jandi.
"Para pala sa'yo Neil" sabi ni Jandi at inabot ang dala nitong box kay Neil.
"Wow! Thank you Dex" sabi ni Neil habang halos hindi na mag-abot ang mga ngiti sa inabot na regalo kunno ni Jandi sakanya habang ako naman ay parang nag-aalinlangan sa ginagawa ko dahil hindi naman ata makatarungan na gawin ko ito sa mismong araw na espesyal para sakanya.
Napatingin naman ako kay Jandi na sumenyas na saakin para gawin ko ang talagang sadya ko dito nang hindi ko namalayan na binuksan nap ala ni Neil ang inabot ni Jandi na box sakanya.
"What is this Lex?" bakas sa tuno ng kanyang boses ang sakit ng nasilayan niya.
Napapikit na lamang ako sa aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha niyang alam kong nasasaktan ko na. Siguro hindi nga makatarungan ang ginagawa ko pero sa dami ng dinanas ko nitong mga nakaraang mga araw dahil sa pagmamahal ko sakanya ay tama na siguro itong kabayaran sa lahat ng sakit na dinulot niya saakin.
"Binabalik ko na sa'yo lahat Neil, baka kasi nanghihinayang ka sa mga bagay na ibinigay mo saakin nong pinaglalaruan mo lang pala ang damdamin ko" bakas sa tuno din ng boses ko ang sakit at pait nito dahil sa alam kong nasasaktan pa din ako sa lahat ng nangyayari saamin.
"So all these boxes are..." sabi nito na agad ko ring pinutol.
"Yes, yung mga gamit na ibinigay mo saakin... and maybe it's the best thing to do" paliwanag ko dito.
Napahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa pagtitimpi at nakita ko kung paano siya hindi magkandamayaw sa kanyang kinatatayuan habang pilit na winawari sa kanyang sarili ang nangyayari. Napakuyom na rin ito sa kanyang mga palad habang pinipakalma niya ang sarili habang ako ay naghihintay sa kanyang magiging kasagotan.
"This is the best way you can do to me? To repay all the hurt that I cause you? What about me Lex? Inisip mo ba birthday ko ngayon pero ano tong ginagawa mo saakin? Sasaktan mo ko dahil nasaktan lang kita?" sabi ni Neil ng bigla itong sagotin ni Jandi.
"Nasaktan mo lang siya? Ganon ba ka babaw sa tingin mo ang nagawa mo sa kaibigan namen, Neil? Pinaglaruan mo ang damdamin niya! At bakit ka naman masasaktan eh pinaglaruan mo lang naman si Elex" sagot ni Jandi dito na agad ding sinagot ni Neil.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Teen FictionElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...