Chapter 46

1.3K 57 2
                                    

Chapter 46


Elex's POV


Bukang-liwayway akong nakarating sa mismong tapat ng Esperanza at agad ko ng tinahak ang daan papasok sa lugar kong saan sisimulan ko ng kakalimutan ang lahat sa labas ng nayon na ito at kung saan sisimulan kong ayusin ang sarili ko sa masalimuot na nangyari sa akin.

Habang naglalakad ako ay sumagi na naman sa aking isipan ang naging kinalabasan ng maling pagmamahalan namen ni Neil at kung papaano naliko ang buhay niya dahil sa maling pag-ibig naming dalawa. Napatakip na lamang ako ng bibig sa hikbing hindi ko inaasahang lalabas sa aking mga labi dahil hindi ko inakala na ganon ang magiging kakahantungan ng lahat, na kaya niyang magbago dahil sa nasawi naming pagmamahalan at ayaw kong hahantong ako doon kaya mabuti na itong lalayo na ako sa kanya.

Nasa kalagitnaan ako ng matinding emosyon ng may narinig akong hiyaw ng kabayo at mga apak nitong tumatakbo sa hindi kalayuan. Kalaunan ay narinig ko ang mga sigaw ng tao na pinapabilis ang takbo ng kabayo nila at hindi sa kalayuan ay natanaw ko ang dalawang kabayong tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.

"Elexis..." banggit nito na sa pagkakaalam ko ay si Troy dahil sa boses nito.

Hindi ko ito masyadong makita dahil sa luhang namuo sa mga mata ko dahil sa pag-iyak ko na naman. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga yakap nito at sinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib at doon hindi ko napigilan ibuhos ang lahat ng sama ng loob ko para sa sarili ko dahil pakiramdam ko kailangan ko ito.

"Saan ka ba nagpunta? Pinag-alala mo kaming lahat dahil sa biglaang pagkawala mo..." sabi nito saakin habang hinihimas ang likuran ko para patahanin ako na kalaunan ay unti-unti na akong kumalma. "Uwi na tayo ha?" dagdag nito na ikinatango ko sa kanya.

Pagkahiwalay ko sakanya ay siya namang nagsalita ang isang kasama niya na sobra ko na lamang ikinagulat. Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang kaparehong boses niya. Bigla na namang nanginit ang mata ko dahil sa kamuntikan ko ng makalimutan na nandito pala ang kapareho niya ng mukha. Sa lahat ba naman ng lugar na puweding ibsan ang sakit na dulot saakin ni Neil ay bakit pilit pa ring pinababalik sa akin ang masamang karanasan ko sa pag-ibig at bakit hindi ako nito tinatantanan kaya hindi ko na naman napigilang maiyak sa sandaling narinig ko ang kaparehong boses niya. Ito na ata ang masakit dahil halos lahat sakanya ay kabisado ko na kahit tembre pa ng boses nila ay magkatulad pala.

Wala ng nagawa si pinsan kundi ang iuwi na lamang ako dahil sa hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Habang tinatahak namen ang daan patungo sa manson ay napapansin ko pa rin ang mga titig niya na kanina pa tumitingin saakin. Pilit niyang pinapantayan ang takbo namen kahit mabilis namang tumakbo ang kabayo niya. Ibinaling ko na lang sa kabila ang tingin ko at sa hindi inaasahan ay lumipat na naman siya. Sinubsob ko na lamang ang aking mukha sa likuran ng aking pinsan at minungkahi na bilisan ang pagpapatakbo. Nong una ay nagtanong siya pero hindi ko na ito sinagot pa kaya nagpaalala itong bibilisan ang pagpapatakbo namen.

"Rein, mauna na kami para maihatid ko na si insan sa bahay... iiwan ko na lang si Ellias sa labas ng mansyon ikaw na bahalang kumuha at ipasok sa kuwadra pagkadating mo." Bilin pa niya muna dito.

"Sige Troy..." at sa muli ay narinig ko na naman ang boses niya.

Napahigpit na lamang ako sa pagkahawak sa damit ni insan at kulang nalang mapunit ko ito dahil sa lakas ng pagkahigpit ko dito.

Pagkadating namen sa mansyon ay bumungad sa akin agad ang nag-alalang mga mukha ng magulang ko lalo na si Mama na halos maluha na sa nadatnan niya siguro sa itsura ko.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon