Chapter 57
Elex's POV
Lumipas ang ilang mga araw ay hindi na nagpaparamdam sa akin si Rein. Wala na rin akong nakikitang bulaklak ng carnation sa bawat pagsapit ng umaga. Napanatag na rin ang damdamin ko dahil alam kong wala ng gagambala pa dito. Mabuti na rin ito para tuloyan na niya akong lubayan na alam kong makakatulong sa akin. Para sa amin.
Pagbaba ko ay may narinig akong ingay na nagtatawan at nagkakasiyahan kaya agad kong pinuntahan ito para tignan. Nadatnan ko sila Troy at Diane sa hapag kasama ang mga panauhin nitong magiliw na nag-uusap. Natigil yong iba nong makita nila ako.
"Is that a ghost?" turo ng babae sa direksyon ko kumuha ng atensyon sa lahat at napatingin sa akin
"Oh God nakikita ko rin... Troy bakit hindi mo sinabi na nagpaparamdam pa ang Lola mo" sabi ng isang katabi nito na nagtakip ng mata.
"Wow man, this mansion is haunted" anang ng lalaki na natutuwa pa sa kanyang nakikita.
"Make it go away Dianne..." takot na sabi ng isa pang babae.
"Oh stop it you guys... it's my cousin" agad na sabi ni Dianne.
"So she's not a ghost? Why she look pale? Like the portrait in the library." sabi pa ng isang maarting babae. Hindi ko siya gusto.
"Oo nga no. Ngayon ko lang naalala. I thought she was your grandma haunting this place" sabi ulit nong lalaking kanina pa namamangha
Nakangisi naman si Troy sa akin na para akong isang biro sa kanila na nakatayo dito.
I just rolled my eyes on them sa pagkairita ko sa kanilang mga sinasabi.
"Magtatanong lang sana ako kung dumating na sila Mama?" tanong ko habang nakatingin ng diretso kay Diane na ngiting-ngiti sa akin.
Umalis kasi sila nina Tito Frans, Mama at Papa para mamalengke sa lungsod kasama ng mga kapatid ko, naalala ko pa naman na malapit na ang pista dito kaya magkakaroon ng malaking handa sa mansyon para sa mga trabahante at kasosyo nito. Kung kaya't andito rin ang mga kaibigan at kaklase nila Troy at Dianne.
"Mamaya pa yon... Hali ka samahan mo kami dito. Magmeryenda ka na muna" imbeta sa akin ni Troy na ikinailing ko at agad umalis roon.
Nagtungo na lamang ako sa aklatan para isauli yong librong natapos ko ng basahin. Habang namimili ng libro ay narinig ko ang ingay na ginagawa nila na papalapit dito kung kaya't nagmadali akong lumabas para takas an sila pero isa pala yong kamalian kung kaya't naabotan nila ako.
"Oy Lex pupunta kami sa talon, dali sama ka" imbeta naman ni Diane sa akin.
Walang gana kong tinignan si Diane dahil noon pa ako gustong magpasama doon pero parati itong abala. Ngayon pa siya nangimbeta na maraming tao.
"May gagawin pa ako..." sabi ko dito.
"Sus, magbabasa ka lang naman ulit eh... Tara na insan, tuturuan na kitang lumangoy" ani ni Troy na ikinainit ng pisngi ko.
"Sige na miss para marami tayo" hirit nong lalaking manghang-mangha sa akin.
Napatingin ako ng masama kay Troy dahil sa hindi pa nito sinabi ang totoo. Si Diane naman ay natatawa sa naging reaksyon ko.
"Huwag niyo ng pilitin yung tao kung ayaw naman" anang sabi ng maarting babae na ikinarindi ng tenga ko dahil sa matinis niyang boses hinahamon pa ako nitong tinignan kung kaya't na ingganyo akong asarin ito.
BINABASA MO ANG
Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]
Novela JuvenilElex was dumbfounded after he caught his boyfriend cheated on him. It was the most painful thing that could happened to him but in spite of what his boyfriend did, he forced himself to forget. He left the place that reminding him of painful memories...