Chapter 24

1.9K 78 3
                                    

Chapter 24


Elex's POV


Nagising ako nong bigla akong nauntog sa mga kahoy na kahon na sinandalan ko para tulogan. Mula nong sumakay ako dito ay hindi ko pa sinisilip ang labas dahil takot akong mahuli na umangkas sa truck. Hindi ko alam kung nasaan na kami kasi hindi ko makita kung ano ang meron sa labas dahil sa malaking trapal na ginawang takip o bubong ng truck para hindi mabasa ang kinarga nilang mga gulay at prutas.

Napansin ko namang umaga na dahil sa mga butas sa trapal na nasisilawan din ako. Bigla ko namang naalala na kung umaga na ay sigurado akong napakalayo ko na sa Manila at alam kong hindi ako makakabalik roon pero ano pa ba ang babalikan ko roon kundi mga pasakit lamang. Alam kong mahihirapan lamang ako sa paglimot sa mga masasakit na alaala kapag nanatili ako doon kaya mabuti na itong lumayo ako.

"Oh bukas ulit Rein" dinig ko na sabi ni Tito Isko nang buksan nito at pinto ng truck at dinig ko ang pagbaba nila kaya nanatili akong tahimik na lang muna kasi ayaw kong malaman nila na andito ako.

Ilang minuto rin ang inilagi ko muna bago ko naisipang bumaba sa likod ng truck. Sinilip ko muna kung may tao ba sa paligid bago bumaba. Pinasok na pala nila ang truck sa kamalig kaya bumaba na agad ako at tinugo ang trangkahan. Bingiyan ko muna ito ng maliit na awhang para tiyakin kong may tao ba sa labas at nong walang makita ay dahan-dahan akong lumabas sa kamalig. Dahan-dahan ko rin itong isinara pero nanginig naman ako nong makalabas ako. Alam ko naman kasing napakalamig dito kapag madaling araw at may hamog pa sa paligid. Nag-unat na muna ako ng katawan dahil sa nangalay ako sa posisyon ko sa buong byahe. Akmang aalis na ako nong may biglang may sumigaw.

"Hoy! Anong ginagawa mo jan!" sigaw ng isang lalaki na nasa may gate at tinuturo ako.

Natigilan naman ako nong masilayan ko ang napakamatipuno nitong katawan lalo na ang mga pandesal nito sa tiyan na mapapamura ka na lang talaga kapag iyong makikita. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasumbrero ito pero nakakaakit naman talaga ang katawan niya kahit moreno.

Natigil naman ako sa pagpapantasya sa lalaki nong may pinulot ito at nanlaki ang mata ko nong makita kung ano ang dala nito.

"Ahhhhh...!!!" sigaw ko sa takot at daling tumakbo kung saan.

"Hoy tigil!" sigaw nito na parang sinusundan ako.

Tumakbo na lang ako ng tumakbo kung saan kahit na nangangati na ang mga binti at hita ko dahil sa mga damo at dahong nadadaplisan ang hita at paa ko.

Bakit ba kasi ganitong shorts ang suot ko?

Hindi rin ako makatakbo ng maayos dahil sa mabigat ang dala kong bag kasi naman parang dala ko na buong buhay ko dito pero tinuloy ko pa din ang pagtatakbo dahil ayaw kong maitak nong lalaki. Naluluha na rin ako kasi ayaw ko pang mamatay. Nasaktan na nga ako tapos ngayon papatayin pa ako.

"Hoy sandali tumigil ka!" sigaw nong lalaki pero hindi ako nagpatinag at nagtatakbo lang kung saan.

Nabibitik na rin ako minsan ng mga sanga at nadadaplisan na minsan ang balat ko pero tuloy pa rin ako sa kakatakbo. Mahamog pa rin ang paligid at hindi ko na alam kung nasaan ako pero pinili ko pa din ang tumakbo kaysa maabutan ako nong lalaki.

"Sandali bangin na jan" sigaw nong lalaki na ikinatigil ko at nong titingin na sana ako sa likod para tignan yung lalaki ay ang pagdulas ng isang paa ko sa bangin na siguro iyon at ang kaba na narandaman ko at mas lalong dumoble pa.

"Ahhhhh...." Sigaw ko nong mahuhulog na ako sa bangin pero naramdaman ko naman ang isang kamay na agad na humawak sa bisig ko at hinila ako papunta sa kanya. Sa kanyang matipunong katawan ako lumanding pero kahit ganon sobrang iyak ko naman sa sasapitin ko na sana.

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon