Chapter 60

1K 40 0
                                    


Chapter 60


Elex's POV



Magkaiba sila at yun ang napatunayan ko sa sarili ko nong muli siyang bumisita sa kuwarto ko at dinalhan na naman ako ng bulaklak ng carnation. I doubted him but still he show his affection to me. He saved me for the second time that almost took my life away.

Pero ang pinagtaka ko ay yung biglang paglapat ng halik niya sa aking noo na nagdulot ng sobrang kapanatagan sa dibdib ko. I know he look like him but I know better, his different. He is way more better than him.

"Kumapit ka baka mahulog ka" sabi niya na ikinahigpit ko ng pagkakayakap sa kanya mula sa likoran habang tinatakbo ni Damian ang pababa ng bukid.

Ilang minuto na pagbaktas sa masukal na daan na sabi niyang atlernatibong daan ay nakarating kami sa isang bahay kubo. Maliit lang ang bahay at masasabing payak lang ang pamumuhay ng nakatira.

"Bahay namen..." sabi niya na ikinagulat ko at napatingin sa kanya ng pagtataka. Hinahagilap ko kung nabibiro siya pero nakikita naman sa kanya ang pagiging simple na tao. Walang kaartihan sa katawan pero talagang mahubog at sugsog sa trabahong bukid.

"Tuloy ka" yaya niya sa akin sa loob ng bahay nila. Nakakamangha lang dahil hindi ko akalain na sa ganito lamang siya nakatira. Lahat ng mga muweblis ay gawa sa kawayan at kahoy.

"Salamat..." sabi ko at umupo sa upuan na binigay niya sa akin.

"Hanapin ko lang si Tata baka nasa bakuran"

Pumunta nga siya sa bakuran sa kusina siya dumaan at pagbalik niya ay may kasama siyang matandang lalaki na humihithit ng tabako.

"Oh maayos na ba ang kalagayan mo at nagpapasyal ka dito" ani nito na ikinalito ko.

"Si Tata kasi yung tumingin sa'yo nong masagip kita sa talon kahapon" ngiting sabi ni Rein.

Naalala ko sinabi ni Mama na ginamot ako ng Albolaryo at nakaktawa dahil sabi nitong na-engkanto daw ako pero yung totoo ay hindi pa talaga ako marunong lumangoy. Gusto kong sabihan si Nico pero nagkasubuan na, akala ko lang kasi na hindi niya ako bibitiwan.

"Opo, maayos na po ako ngayon. Katunayan nga po ay pinasyal muli ako ni Rein eh" tugon ko rito na ikinangiti niya at naghanap ng mauupuan na agad namang binigyan ni Rein.

Napansin siguro ni Rein ang hindi ko pagkakomportable sa tabako ng Tata niya dahil panay ang singot ko na usok na minsan ay kinatikhim ko. Ayaw ko kasi ng kung anong usok dahil baka hikain na naman ako.

"Ta, nagtatabako ka na naman... Papagalitan ka ni Tita niyan eh tapos kasali pa ako sa mapapagalitan niyan dahil hindi kita sinita" pagmamaktol ni Rein sa matanda habang hito ay patuloy lamang sa paghihithit ng tabako niya.

"Nah, wala na kayong magagawa... nasa sistema ko na ang pagtatabako at kapag tinigil ko ay baka mapasama tuloy ako" tugon ng matanda na ikinailing ni Rein.

Pansin ko na may pinagmanahan siya sa katigasan ng ulo niya rin pero nakakamangha dahil hindi madaling natitinag.

"Ano nga ulit yung sadya niyo sa akin?" anang sabi ng matanda sa amin bago muling humithit ng tabako niya.

"Di ba kilala niyo lahat ng tao dito sa Esperanza, mula sa magsasaka, mga caretaker, mga bata pati na rin sa mga nagtatrabaho sa mansyon. May itatanong lang po sana kami kung-"

Set Fire to the Rain [Completed] [Rated SPG M2M/BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon