Heartstrings
Daniel's POV:
Hindi na ako makapaghintay sa reaksyon nila Katsumi kapag nakita nila tong dala kong sasakyan ngayon. Hindi ko maalis ang ngiti sa mukha ko nung isang araw pa dahil dito. Iba talaga ang feeling kapag ikaw na mismo ang may hawak ng manibela hindi yung nakasakay ka lang. For the first time masasabi kong isa to sa mga the-best na araw ng buhay ko!
Ganito kasi nangyare…
Flash back
Lintek na ang sakit sa ulo magkabisado ilang oras na ako kakabasa nitong binigay sakin ni Kathryn. Ilang gabi na din kaming ganito aral, aral, puro aral at aral. Nahihilo na ako kundi mga letra puro numero naman ang katapat ng mata ko. Buti na lang matatapos na din ang kalbaryo kong ito bukas. Matatapos na din ang paghihirap kong tyagain tong gabundok na libro at papel sa lamesa ko.
“… ayoko na suko na ako…” tumayo na ako at diretso higa sa kama.
“… Daniel…”
“… ayoko na nga ang sakit ng ulo ko…” nakasubsob ngayon ang mukha ko sa unan. Hay, ang sarap sa pakiramdam ng malambot na kama. Gusto ko ng matulog pakiramdam ko kasi bugbog na ako sa pag-aaral.
“… Daniel, hindi pa tayo tapos… konti na lang…” sabi ni Kathryn sakin.
Inangat ko ang ulo ko para lingunin siya. Nakaupo pa rin siya habang hawak-hawak yung reviewer ko na sinukuan ko na ng tuluyan.
“… kanina ka pa kakasabi ng konti e bakit ngayon hindi pa rin tayo tapos? Ayoko na…” sinubsob ko ulit ang mukha ko sa unan.
“… Daniel naman tumayo ka na diyan hindi tayo matatapos sa ginagawa mo e…” hindi na ako kumibo hanggang sa maramdaman ko na lang na may humampas sa likuran ko.
“… ano ba!...” sigaw ko.
“… hindi ka tatayo diyan?...”
Nagtitigan kaming dalawa.
“… hindi…” nagtalukbong ako ng kumot.
“… ayaw mo ha….”
Makakaidlip na sana ako ng tuluyan kundi lang…. Alam niyo ba kung anong ginawa niya? Hinampas lang naman ako sabay kurot sa tagiliran. Napatayo ako sa kama ng dahil sa ginawa niyang pagmamaltrato sa katawan ko.
“… MASAKIT HA!! NAKU---- KUNG HINDI KA LANG TALAGA BABAE…. Matagal na kita diyang….”
Tinaasan niya lang ako ng isang kilay sabay sabing.
“… So? Ano naman ngayon kung babae ako. Bakit may magagawa ka pa ba para baguhin yon aber?...”
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanficHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...
![Heartstrings:The Deal [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/675450-64-k482820.jpg)