Heartstrings -editing-

22.7K 153 42
                                    

Heartstrings

 © Copyright 2013 All Rights Reserved

Kathryn’s POV:

“… ito lang po ang hihiramin ko…” hindi ko na hinintay na sabihin pa ng librarian na magfill-up ako ng form para sa paghiram ng libro. Sa tagal ko ng labas-masok dito sa araw-araw kayak o ng irecite lahat ng rules and regulations ng library.

“…mukha yatang wala tayong research ngayon ha?...” nagtatakang tanong ng librarian sakin. Kung pwede nga dagdagan ko pa ang kaso nga lang madami akong iuuwing libro mamaya kaya wala na akong mapaglagyan pa.

“… madami po kasi akong iuuwing libro mamaya…. Kaya isa lang po…” ngumiti ito sakin at tumango. Pagkatapos niyang kunin ang form na nafill-upan ko kanina binigay na niya yung libro. “… sige po… salamat…” lumabas na ako. Tamang-tama pala lunch na makakain na nga muna.

Yakap-yakap ko ang libro habang naglalakad ako sa hallway. Halos mapuno na ang daan ng mga studyanteng kung saan-saan nagkalat kanina pa kasing umaga walang klase kaya kulang na lang magkaroon ng celebration. Ewan ko ba sa kanila kung bakit ba gustong-gusto nilang walang klase? Aang hindi nila alam maraming nasasayang na oras na sana dapat natututo sila….

Anong oras na ba? 11:30 a.m. Kanina pa siguro ako hinihintay ni Nicky sa canteen kung minsan kasi kapag maaga siyang lumabas siya na ang nagsasave ng table namin at ganun din naman ako pero kadalasan talaga siya.

Malapit na ako sa locker ko ng may narinig akong naguusap-usap sa gilid. Hindi na ako nagtataka kung tungkol saan na naman ba yon… “topic” na naman sa buong campus. Hindi naman mawawala yan sai sang university diba? Hindi naman maiiwasang mapagusapan siguro lalo na kung “nakakaintriga” naman talaga gaya nga ng sabi nila.

 Hayyyy….

“…tiga-Stratford daw e…” halata sa boses nila yung curiosity habang naguusap-usap ang magkakaibigan. Karamihan nakapalibot sai sang tabi habang may nagsasalitang isa.

“… talaga? Totoo ng ang sabi nila marami ngang gwapo don…” nagtilian ang mga ito.

“… nakuha daw ba nila ang pangalan?...” halos sunod-sunod na ang pagtatanong nga mga ito hanggang sa tuluyan ng hindi magkaintindihan. Halos nagsisigawan na sila habang naguusap kahit na napakalapit lang nila sa isa’t-isa.

Napailing ako.

Kaya naman pala sila magkamayaw kanina pa…. ng dahil don sa Stratford na yon. Teka, Stratford? Dali-dali kong nilagay ang mga gamit ko sa loob ng locker at tinignan ulit sila. “…oo, nga nakita ko siya kanina palakad-lakad sa loob ng campus natin…” sabi nung isa. “… e, diba ang sabi daw ‘karibal’ ng school natin yon? E bakit siya nandito?...” tanong ng nakaupo.

Hindi ko na tuloy maiwasang makinig sa pinaguusapan nila. Hindi naman siguro nila mapapansin dahil sa ingay ba naman ng mga tao don diba? Hindi naman siguro masamang kahit ‘minsan’ makibalita ka… e yun nga e kung balita ba talaga ang topic nila.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon