Childhood memories

30.7K 215 22
                                    

Heartstrings 

© Copyright 2013 All Rights Reserved 

Daniel’s POV:

Papunta na kami ngayon sa airport susunduin na namin don sila mommy at daddy. 3 hours pa yung arrival nila pero mapilit tong si Nicole kaya napa-aga tuloy ang pag-alis namin ng bahay. Gusto niya kasi nandon na kami bago pa makarating sila.

Sigh.

Di parin talaga nagbabago magkikita din naman mamaya sa bahay .

Ano ba ang pinagkaiba non ha?

Nakakabored naman dito sa loob ng sasakyan walang magawa.

Sigh.

Puro sasakyan at mga billboard ang makikita mo sa daan. Nakakasawa na ring tignan yung building na madadaan para sakin halos wala rin namang pinakaiba pero muka yatang si Nicole tuwang-tuwa sa mga nakikita.

Nakinig na lang ako ng music sa i-pod.

Maya-maya nakita ko na yung main entrance/gate nung airport. Bumaba na kami ni Nicole at pumasok sa loob. Naglakad na kami papuntang arrival area at na upo para hintayin yung pagdating nila. 

Aaminin ko excited din akong makita sila ulit sino bang hindi?

Sino bang ayaw makita ang mga parents nila diba? pero ang pinagkaibahan lang naman e yung hindi na katulad ng dati.

Hindi na ako yung batang parating naghihintay sa kanila na halos hindi na makatulog sa gabi dahil wala sila at nasa ibang bansa. Hindi na ako yung batang parating naghihintay para sa mga dalang pasalubong na laruan. Hindi na ako yung batang tuwang-tuwa kapag binigyan ako ng chocolate at dinala sa mall para bilhin lahat ng gustong laruan. At higit na sa lahat hindi na ako yung batang…… akala ko dati hindi ko kakayanin na wala sila sa tabi ko.

Nakita ko na lang na biglang tumakbo si Nicole at nakita kong yakap-yakap na siya nila mommy. Tumayo na ako sa kinauupuan ko’t hinintay lang silang matapos magkamustahan sa isa’t-isa. Alam kong miss na miss na nai Nicole sila mommy kasi dati naramdaman ko na rin yan.

Alam ko din yung pakiramdam na makita sila ulit at makasama…

Lumapit na sila sakin at ngumiti sakin si mommy nung nakita niya ako.

Nagnod lang sakin si daddy bigla nalang may yumakap sakin.

 

“…baby…” niyakap ko din siya ng mahigpit.

Maya-maya tinignan na niya ako at nilagay yung kamay niya sa pisngi ko.

 

“…na-miss ka ni mommy…” sabi niya sakin na para bang pinipigilan niya lang na umiyak. Ngumiti lang ako sa kanya habang tinitignan niya ako. “…me too…”.

Dinala na namin yung mga bag nila sa sasakyan at umalis na.  Nag-aya si Nicole kay daddy na pumunta kami sa s.m ngayon kaya ano pa nga ba? Don na rind daw kami kakain ng dinner para sama-sama.

Nagkwentuhan na din kami habang nandon pa sa sasakyan ang traffic kasi.

Teka lang… parang naulit na tong pangyayaring to ha?

Saan nga ba ulit?

Oo, nga pala kahapon. 

Ano ba yan naaalala ko na naman yon.Sino ba ang hindi Ikaw ba naman ang pagbuhatin ng ilang paper bag ng hindi man lang tinulungan.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon