Heartstrings: Chapter 47 part 4

21.3K 179 70
                                        

A/N: ok, guys please paki-play muna yung video na nasa right side. Feeling ko kasi bagay to sa chapter na to and I was listening to it nung ginagawa ko tong last chappie J I hope mapagbigyan niyo ako about that. Btw, “as long as you love me” ang title niyan by Justin Bieber. So Sweet kasi grabe!

Happy reading!!

----------------------------

Heartstrings: Chapter 47 part 4

Kathryn’s POV:

Hindi ako nilulubayan ng konsensya ko hanggang ngayon. Nakauwi na ako kanina sa bahay pero hanggang don bumabalik pa rin sakin yung pinagusapan namin ni Daniel kanina. Yung tungkol don sa party ni Julia na kailagan daw nandon ako pero tinanggihan ko siya sa huli.

.

.

.

Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko nagawa yon. Bigla na lang kasing lumabas sa bibig ko yung mga sinabi kong hindi ako makakasama sa kanya. Mas lalo pa akong nakonsensya ung nakita yung disappointment sa mukha niya nung mga oras na yon. Alam kong maling-mali ang ginawa ko pero wala na akong magagawa nangyare na e…

.

.

.

Hindi naman talaga totoo yung part na merong nagpapa-alagang bata sa bahay pero totoo naman yung part na may kapitbahay kaming may baby. Totoo rin yung may nakuha na siyang trabaho pero may inupahan siyang tao para batayan yung anak niya. Kahit saan kasing banda tignan nagsinungaling ako e…

.

.

.

Kaya ito ako ngayon kinakain ng konsensya ko…

.

.

.

Hindi ko forte yung gumawa nga mga ganito e pero nagsimula lahat ng magpanggap nga kaming magboyfriend-girlfriend nitong si Daniel. Don nagsimula lahat ng kasinungalingan pero hindi na ako pwedeng magback-out. At ito pa nag ngayon nadagdagan pa ang aalahanin ko….

.

.

.

Ito ngang party na dadaluhan ni Daniel ngayon. Ang party ni Julia. Ano bang kasalanang ginawa ko at pinaparusahan ako ng ganito? Ito na ba yung consequences  sa ‘fake relationship’ naming dalawa ha? Ano na lang ang kalalabasan ng buhay ko nito kapag magtuloy-tuloy?

.

.

.

Hay, ayoko ng dagdagan pa ang konsensya ko kaya ito ako ngayon papunta sa party na kinukulit sakin ni Daniel kanina sa school. Nakakakonsensya kasi ang mukha niya talaga na bawat pikit ko nakikita ko yung mukha niya. Ayoko ng magkaroon pa ng kasalanan! Ayoko ng dagdagan pa kaya ito ako ngayon papunta na!

.

.

.

Tinawagan ko kanina si Nicky para itanong kung anong address. Buti na lang nasabi sa kanya ni Daniel bago daw siya umalis ng bahay kaya may clue na ako kung saan ba dapat ako pumunta. Nagoffer pa nga si Nicky kaninang samahan daw ako pero tinanggihan ko na nakakahiya naman kasi. Nagdecide na lang akong mamasahe meron pa naman akong tirang pera sa allowance ko kaya yun ang ginastos ko ngayon.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon