Ch.?: Fan Meet

11.8K 135 28
                                        

Heartstrings

Kathryn’s POV:

Maaga akong nagising ngayong sabado ng umaga. Inaya kasi ako ni Nicky na pumunta sa fan meet ng mga Bielibers ngayon sa MOA.  Nung nagkita kami kahapon sa school grabe ang tuwa niya ng ikwento ang tungkol dito kaya nung nagtanong niya sakin kung pwede ako ngayong Sabado hindi ko na makuhang tumanggi.

Ayaw ko namang sirain yung mood niya lalo na’t alam kong  bihira lang siya humungi ng favor sakin at isa pa hindi na siya iba sakin para na siyang nakababata kong kapatid.

Kaya ngayon ito ako paalis na ng bahay bitbit yung ginawa kong fan made art kagabi. Nagbilin din si Nicky na gumawa ako kahit ano basta may dalhin lang ako don isa kasi sa mga requirements. Naisip kong magcut-out ng mga pictures ni Justin Bieber na galing sa magazine na binigay sakin ni Nicky kahapon din.

Susunduin niya ako sa may kanto.

Naglakad na ako papunta doon.

Ang daming nangyare sa buong Linggo ko. Ang daming unexpected na hanggang ngayon hindi ko pa din lubos maisip na mangyayare sakin. Katulad ng dati ilag na nman si Daniel sakin hindi ko alam kung bakit bumalik na naman ang ugali niyang yon.

Hindi ko maiwasang mainis dahil sa pagtrato niya. Siya pa ang may ganang hindi mamansin sa kabila ng ginawa niya saking pag-iwan. Nagalit din ako ng hindi na rin siya sumisipot sa mga tutorial lessons naming nitong nakaraang araw.

Talaga bang iwasan mode na naman kami?

Di bale kung yan ang gusto niya e di ibigay. Sa totoo nga mas pabor na sakin na hindi na kami nagkakasama sa isang kawrto ng hindi na rin ako nahihirapan. Sinula kasi nung mga nakaraang araw medyo gumaan na ang mga Gawain ko dahil hindi na siya sumisipot wala na ring dahilan para magstay ako para hintayin ang pagdating niya.

Sawang-sawa na ako sa kakahintay.

Sawang-awa na ako sa kakakahintay sa taong alam ko namang walang pakealam sa akin.

Ganyan naman siya ni walang pasabi basta kung kalian niya lang maisipang magpakita doon siya susulpot. Napagisip-isip ko din sa mga nakalipas na araw na hindi na tama ang ginagawa niya sakin sobrang pangaabuso na yata yon.

Ang daming oras na ang inaksaya ko sa paghihintay at hindi na madadagdagan pa yon.

Sige, kung gusto niya ng tutorial matuto siyang magpasabi sa text man lang at pupunta ako ON TIME. Hindi tulad niya na para bang walang alam kundi isipin ang sarili niya wala ng iba.

Isa sa mga bagay na nalaman ko sa ugaling meron si Daniel John Ford Padilla.

Walang isang salita.

Mabuti ng ganito kami na nagiiwasan ng hindi kami mahirapan na dalawa. Oo, nga magkasama kami pero mauuwi at mauuwi pa rin sa away ang lahat at higit pa don ako na lang yata parati ang talo sa huli. Ako na lang ang naiiwan.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon