After 8 years

29K 202 40
                                        

Heartstrings

 © Copyright 2013 All Rights Reserved

Julia’s POV:

Matagal na din akong hindi nakakapasok sa formal school dahil na din sa busy schedule ko. Since nung lumipat kami ng bahay naghomeschooled na ako.

Na-miss ko lahat ...yung mga classmates, yung mga teachers, yung mga friends…. At ang  batman ko.

Pinilit ko lang si mommy at ang manager kong i-enroll ako sa university na pinapasukan niya ngayon. Actually pinahanap ko pa talaga kung saan na siya ngayon nakatira at nalaman kong lumipat na din pala sila ng bahay. Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko ngayon siguro dahil na din sa tagal ng panahon nung huli kaming nagkita.

Hindi ko makakalimutan yung araw na yon. Nakita ko siyang umiyak ng dahil sa akin hindi ko naman ginustong mangyare yon e. Siguro nga nakatadhana na kaming dalawa para magkalayo at para na rin sa career ko. Wala na kaming communication simula noon kaya nagalit din ako sa kanya dahil kinalimutan na niya ako. Pinangako kong babalikan ko siya para ipakita kung ano na yung narating ko ngayon.

Hindi na ako yung dating iyakin na kapag-iniwan niya parati na lang hahabulin siya.

Hindi na ako yung dating hindi siya kayang tiisin. 

At hindi na ako yung princess na nakilala niyang mahina dati.

Nakarating na din kami hindi namin pinaalam sa mga media ang decision kong mag-aral ngayon. Alam ko kasing pagkakaguluhan nila ako at hindi ko na magagawa yung mga plano ko. Gustong kong i-surprise siya sa pagdating ko dito.

“…nandito na po tayo…” bumaba na ako ng sasakyan kasama ang manager ko.

“…are sure about this, Julia??...”tanong niya sakin habang naglalakad kaming dalawa. “...definitely..."

 “…hindi natin matatago ng matagal to sa media. Sooner or later nandyan na sila at nasa news ka na…” sabi niya sakin.

“…I know but please do everything para mapagtakpan muna ako…” sabi ko sa kanya.

“…ano ba kasing naisipan mo’t gusto mong mag-enroll pa dito. You already have your own private tutor…” sabi niya sakin.

Napangiti ako.

“…let ‘s say ...I have something important to do but don’t worry kapag tapos na ako dito aalis na ako…” sabi ko sa kanya.

Nagnod siya.

“…ok and don’t forget na kahit nandito ka lang sa campus may mga paparazzi paring nakasunod sayo. Watched every move you make and every word you say dahil pwedeng makasira sa image mo yan…” nagnod ako sa kanya.

That's the price kapag sikat ka.

“…here’s your time table…” inabot niya sakin yung paper.

“…nakausap ko na yung principal ipapadala na lang tomorrow morning sa locker mo yung mga books…” nagnod ako sa kanya.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon