Ch.?: Ride and Lights

17.9K 156 35
                                    

Heartstrings

Kathryn's POV:

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magkakilala pala sila mama at Mrs.Padilla. Hindi ko akalain na siya pala yung tinutukoy niyang 'bestfriend'. Grabe, ano pa kaya ang susunod na mangyayare sa amin nito ngayon?

Nasa dinning area na kami ngayon kumaian.

Bale ang pwesto katabi ko si mama sa left side.

Kaharap namin yung dalawang magkapatid.

Si mama kaharap si Nicole at si Daniel kaharap ko.

Nasa magkabilang dulo yung parents nila.

Wala pa ring humpay sa pagkwekwentuhan sila mama para bang wala ng tao kundi sila lang dalawa. Namiss lang siguro ang isa't-isa.

Kumakain lang ako.

"... kamusta na Luzzy Min?..." Ok, ngayon nalaman kong nick name ni mama pala yon. 

"... ayos naman nakakaraos kahit paaano..." sagot ni mama.

"... na saan nga pala asawa mo?..." natigilan ako sa narinig ko. Tinignan ko agad si mama sa tabi ko alam kong 'sensitive' siya pagdating sa topic na yon.

Nakita ko siyang ngumiti.

"... naku, wag mo ng alamin pa...." nagnod na lang si Mrs.Padilla sa kanya. Alam kong nakutuban niyang ayaw pagusapan ni mama yon sa ngayon.

"... kontento na ako ngayon basta ba't kasama ko ang anak ko..." sabi ni mama habang nakatingin sakin.

"... napakasipag mag-aral ng anak mo alam mo ba yon Luzzy Min? Nagagawa pang tutoran tong si Daniel ko..." napatingin si mama sa kabilang side ng lamesa.

Nasamid si Daniel ng marinig niya ang pangalan niya.

"... buti nga po mahaba pasensya ni ate Kath kay kuya... I'm sure kung iba yon matagal ng nagresign..." sabi ni Nicky habang nangingiti sa kuya niya. "... ikaw kasi kuya pasaway ka..." 

"... tigil-tigilan mo nga ako Nicole...." Daniel.

"... totoo naman kasi!..."

"... Nicky, Daniel behave may guest tayo o..." saway ni Mrs.Padilla sa kanilang dalawa.

Nanahimik naman silang magkapatid.

"... just don't mind them..." sabi niya samin ni mama. So, ayon na nga ang nangyare panay ang kwentuhan nilang dalawa at minsan nasasama kami nila Nicky at Daniel don. 

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng magopen ng panibagong topic si Mrs.Padilla.

"... parati silang magkasama na dalawa ng Daniel ko kaya hindi na ako magtataka kung madedevelop sila sa isa't-isa diba Luzzy Min?..."

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon