Life after the tutorial

37.2K 315 30
                                    

Heartstrings

© Copyright 2013 All Rights Reserved 

Kathryn’s POV:

Nakakapagod grabe ang sakit ng lalamunan ko sa kakasigaw sa kanya kanina. Hindi kasi siya sakin nakikinig at kung may time man puro biro ang ginagawa niya. Hindi tuloy kami makausad sa susunod na subject dahil sa kalokohan at kagagawan niya. 

Yung 1 and a half hour na yon parang whole day na sakin.

Kakayanin ko pa ba to ng hanngang 2nd grading?

Nakarating na din ako sa bahay nakauwi na pala si mama. Nakabukas na kasi yung ilaw sa loob. Kinuha ko na yung susi at binuksan yung gate namin. Maliit man kung ikukumpara sa mga kapitbahay namin para saming dalawa ni mama ok na. Ito na lang yung natira sa mga pamana ni lolo sa kanya. Muntikan pa nga tong isanla dahil nabaon na kami sa utang noon.

 

“…mama, nandito na ako!...” nilagay ko muna yung bag at libro ko sa lamesa.

Dumiretso ako sa kusina nakita kong nagluluto si mama ng ulam naming dalawa.

Lumapit ako sa kanya.

“… bless po…” nagmano ako at tinignan kong ano yung niluluto.

 

“… muka yatang ginabi ka ngayon anak ha? Hindi ka naman ganitong oras umuuwi dati..” hindi ko pa pala nasasabi kay mama na nagtututor na ako.

 

“…a.. ano po kasi eh…” tinignan ako ni mama na para bang kung magsisinungaling ako siguradong malalaman niya.

 

 “…sabihin mo ang totoo, Kathryn…” I sighed bago sumagot. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba  o hindi baka kasi mag-alala pa si mama.

 

“… ano po kasi…. Nagtututor po ako ngayon…” sagot ko.

 

“…tutor?? Bakit ka nagtututor??...” tanong sakin ni mama.

 

“… kinausap po ako kanina ni Mrs. Tervor at sinabi po saking na maytututoran daw po ako. Sandali lang naman po yon mama…” sabi ko.

 

“… bakit ikaw pa, anak? Baka mahirapan ka niyan pano na yung scholarship mo?....” sabi ni mama sakin. Yun na nga yung reason e kung hindi ko to gagawin siguradong malalaman yun nila Mr. &Mrs. Padilla. Na hindi man lang ako tumulong sa anak nila na samantalang sila nagmalasakit sakin.

 

“…wag po kayong mag-alala ma…. Kaya ko yon no… ako pa…” ngumiti ako sa kanya. “… hindi naman po ako nahihrapan and besides classmate ko naman po siya kaya nasasabay ko na din sa pag-aaral ko…” sabi ko pero ang totoo halos mapatid na ang lalamunan ko sa kakasaway sa kanya. Parang bata kasi naiisip ko pa lang ang pwedeng mangyare bukas parang ayaw ko ng pumasok.

“…o siya sige… dalhin mo na yang ulam natin at nang makakain na tayo…” kinuha ko na yung plato at ulam . Naupo na kami at kumaing dalawa. Nag-usap kami sa mga nangyari ngayong araw.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon