Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Kathryn's POV:
Ilang minuto na rin ang nakalipas ng makaalis kaming dalawa ni Gino sa school. Ilang minuto na rin ang nakalipas ng pumayag akong sumama sa kanya sa totoo ng lang ewan ko ba kung bakit pero pakiramdam ko mas mabuti ng kahit sandali lang makalimutan ko muna ang mga problema ko.
Katulad ng ng sinabi ni Gino sakin kanina dahan-dahan lang ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Bawat kanto na nadadaanan namin humihinto rin siya anapapangiti na nga lang ako sa ginagawa niya. Talagang sineryoso niya ang sinabi niya kanina ha? masasabi kong may isang salita nga si Gino.
Tinignan ko siya sa may tabi ko. Cool na cool lang sa pagdridrive kung tipong matagal na talaga siyang natuto o ang mas maganda term e gamay na gamay na niya. Hindi ko tuloy maiwasan na magtaka kung pano siya natuto sa age niyang yan marunong na siyang magpaadar ng sasakyan. Hindi lang basta-bastang sasakyan ha?
"...Gino..."
"...mmm?..." sabay tingin sakin habang yung kamay niya nasa steering wheel pa rin. Nagpanic akong bigla dahil sa ginawa niya pano kung may biglang tumwid e di hindi niya nakita?
"... wag ka saking tumingin..." sabi ko sabay turo sa unahan natawa lang siya ginawa ko at binaling niya ulit yung tingin niya sa kalsada. Nakahinga na ulit ako ng maluwag... maya-maya lang nagsalita siya.
"... bakit?..." nakita ko na namang nakatingin siya sakin. Gino naman e.. ang kulit sabing tignan ang kalsada hindi ako! Napakapit na lang ako sa seat belt. "... relax ka lang Kath... wala ka bang tiwala sakin ha?..." tanong niya.
May tiwala ba ako sa kanya?... alam kong kailangan ng mahabang panahon para magkatiwalaan ang isang tao pero ok na siguro yung magkasama kami sa Science Fair diba? matagal-tagal na din siguro yon kahit papaano. Unang tingin ko pa lang sa kanya... well, alam kong maypagkamayabang na pero alam ko namang hindi niya hahayaang mapahamak kaming dalawa.
"... medyo?..." sagot ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"... ha? medyo lang?..." mukang disappointed siya. Tinignan niya ulit yung dinadaanan naming kalsada buti naman ngayon medyo focus na siya hindi katulad kanina. "... bakit medyo lang?.... o sige ilang percent?..." tanong niya ulit.
"...umm..." ilan nga ba? Teka nabibilang ba ang pagtitiwala sa isang tao hindi ba hindi naman? Si Gino talaga ginugulo ako e. "... meron bang percent ang trust?..." binalik ko yung tanong sa kanya. Napahawak siya sa buhok niya habang yung isa naman nasa steering wheel pa rin.
"... wala... pero gusto ko lang malaman ang percentage para machallege akong kunin ang tiwala ni Ms. Kathryn..." sabay ngiti sakin. Biglang naginit yung pisngi ko ewan ko ba kung bakit dahil ba sa sinabi niya o dahil sa ngiti niya? Umiwas ako agad ng tingin sa kanya ito na naman yung mga oras na naiilang ako sa kanya meron kasi siyang ginagawa na para lang sakin ha? yung bigla na lang akong nahihiya...
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...