Heartstrings: Chapter 43 part 4***

24.1K 159 44
                                    

Heartstrsings

 © Copyright 2013 All Rights Reserved

Kathryn's POV:

"... miss..."

May narinig akong nagsalita sa likod ko. Pinunasan ko agad yung mukha ko bago pa makita ng iba. Akala ko ba nakalayo na ako sa kanila? pero bakit meron pa ring nakakita sakin? Siguro sinundan nila ako hanggang dito kaya nila ako nahanap agad.

"... excuse me miss... bakit ka nag-iisa dito?...." tanong niya sakin. Radamn kong papalapit na rin siya sa kinauupuan ko. Teka, kilala ko yung boses na yon ha? sigurado ako pero san ko ba narinig? at parang naulit na din to kaso sa ibang lugar lang tama ba ako o guni-guni ko lang?

"...miss??..." bago pa ako magtalo sa sarili ko kung sino bang nagsasalita sa likod ko tumayo na ako agad. Narinig kong huminto siya sa paglalakad palapit sakin biglang tumahimik ang paligid. Alam kong nakatingin siya sakin ngayon kahit na nakatalikod pa ako. Huminga muna ako ng malalim bago siya tuluyang lingunin...

Nakatayo siya ilang meters lang ang layo sa akin. Sigurado akong hindi siya isa sa mga kasamahan ko sa S.C dahil hindi siya nakauniform tulad ko. At nasisigurado ko ring hindi siya tiga-dito.... hindi ako pwedeng magkamali.

Namumukaan ko kung sinong nasa harapan ko ngayon.Tinignan ko pataas hanggang sa makita ko na yung mukha niyang nakatingin sakin. Tinignan kong mabuti kung sino....

Bigla siyang ngumiti sakin sabay nod.

"... Gino??...."

"... the one and only..." ngumiti lang siya sakin. Hindi pa din siya umaalis sa kinatatayuan niya ngayon. Napansing kong tinitignan niya rin ako gaya ko habang nakasuksok ang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. 

Bakit siya nandito sa campus namin? Anong ginagawa niya dito at bakit tinitignan niya lang ao ngayon? Gusto kong mabasa kung anong tumatakbo sa utak ni Gino ngayon? At pano niya nalaman kung nasan ako...

"... kamusta nga pala ang result ng  election..... Ms. President??...." tanong niya sakin. Bigla kong naalala yung nangyare kanina sa loob ng classroom kung saan nalaman kong talo kami. Nakita ko rin sa mga mata ni Gino ang excitement na katulad ng kay Nicky at sa iba ko pang kasamahan bigla akong nanghina....

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at napayuko na lang. Hindi ko pa din alam kung pano ko sila lahat haharapin ngayon..... pati na din siya. Nahihirapan akong sabihin na sa talo kami... na hindi kami pinala na manalo ngayong taon. May nakita na lang akong luha na tumulo.....

Maya-maya naramdaman kong may humawak sa braso ko at sa pisngi ko. Hanggang sa makita ko na yung mukha ni Gino. "... hey, alam ko namang namiss mo ako.... pero sobra naman siguro kung iyakan mo pa ako..." nakangiti siya sakin. "... nandito na ako o..." sabay hawak sa kamay ko at nilagay sa may pisngi niya. "...o, kitam mo?... nasasampal mo pa nga ako e... kaya wag ka ng umiyak diyan..." tinitignan niya akong mabuti. 

Binawi ko agad ang kamay ko sa kanya. "... loko-loko ka talaga kahit kailan..." nangingiting sabi ko. Nakita ko na lang na tumawa siya sa harap ko na para bang nangaasar pa sa itsura niya ngayon. Merong kinuha sa bulsa niya isang panyo at binigay sakin. "... alam mo bang isa sa pinakaiiwasan ko e magpaiyak ng babae?... lalo na ikaw..." napatigil ako sa huli niyang sinabi. 

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon