A/N: Happy Birthday mama!! excited na ako for tomorrow party na naman. That's why I make an UD for tonight baka kasi hindi ako makagawa bukas. I try my very best para to make it longer and much better. I hope magustuhan niyo lahat! I LOVE YOU ALL!! :D hahaha...
xoxo
Yam
Heartstrings: 42.5
Daniel's POV:
Ayos, talaga kanina... hindi ko na matiis na hindi asarin. Ang hirap e alam kong sinabi ko na hindi ko na siya papansinin sa loob ng isang Linggo kaso ko din pala ang unang bibigay. Ilang araw din na tinigilan ko ang pangungulit sa kanya kaya ilang araw din akong walang magawa. Boring. Ang hirap pala kapag tinigilang mo ng isang bagay na nakasanayan ng gawin?
Kaya hindi ko na siya titigilan ngayon.
Pasalamat nga sya ilang araw din akong nanahimik pero ngayon nagbago na ang isip ko. Nakakatuwa lang kasi sa tuwing nakikita ko siyang asar na asar na sa mga trip kong gawin kaya lalo akong naiinspired magisip ng mga bagong prank para lang sa kanya.
Dapat nga maging proud siya dahil pinagbubuhusan ko ng ilang minuto, oras at araw ang mga gagawin ko. Alam niyo na para siguradong hindi ako magkakamali sayang naman ayoko pa sa lahat yung paulit-ulit. Ang gusto ko isang pasadahan lang malaki yata ang talent fee nito.
Katulad kanina nasa harapan ko siya ang sarap ng kain. Nakakatuwa lang kasi alam kong gutom na siya pero ang liit ng subo parang ewan lang e. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa nilalaro ko. Amputek pano ako makakalaro kung nandiyan sa sa harapan ko....
"...lakihan mo kasi ang subo..."hindi ko na napigilan na punahin siya. Natigilan siya saglit kaya tinuloy-tuloy ko na "... ng magkalaman ka naman... tignan mo ang payat-payat mo..." pang-aasar ko.
Sapoool!!!.... EFFECTIVE. Nagbago kasi ang reaksyon niya ngayon nakataas yung isang kilay niya habang nakatingin sakin ng masama. Pustahan o may ipagbabara din sakin to si Kathryn pa?..
3...
2...
1...
"... kung makapagsalita ka parang ikaw hindi ha..."kita niyo na yan si Kathryn hindi basta-basta magpapatalo kaya nga gustong-gusto kong asarin mas lalo akong ginaganahan ngayon. Teka nga ano bang sinabi niya?.... parang ako daw hindi payat?...
Payat pala ha? mapakitaan nga ng kainin niya ang sinabi niyang payat ako. Alam ko na kung paano at may naisip na akong bright idea "...ako?... tss..." lumapit ako sa kanya habang tinaas yung manggas ng polo ko at pinakita ang biceps ko.
"...nakikita mo yan ha?..." sabi ko sa kanya. Tinitignan niya lang ako "... babad yata sa work-out yan... puro muscles yan akam mo ba?..." umatras naman siya bigla. Napangiti ako. Tumayo ako at lumapit sa kinauupuan niya. "...gusto mo nga hawakan mo ba e ng magkaalamanan na tayo..." inusuog niya yung upuan niya. Alam kong naiilang na siya ngayon hindi na kasi makatingin ng diretso sakin.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanficHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...