Heartstrings: Chapter 43 part 2***

24K 163 70
                                    

Heartstrings

 © Copyright 2013 All Rights Reserved

Kathryn's POV:

Hindi ko na nakayanan ang mga sinasabi nila sakin kaya tumakbo na ako palayo. Pinunasan ko agad yung luhang tumulo sa mga pisngi ko. Habang tumatakbo ako hindi maalis sa isip ko yung mga narinig ko kanina....

Nanabuso ko ba talaga ang pinakita saking kabaitan ni Daniel?....

Sa sinabi nilang yon bigla akong nagdalawang isip at nagsisi kung bakit ko pa kasi siya ginantihan sa ganong paraan. Kung hinayaan ko na lang sana siya sa ginawa niyang at kung hindi ko na sana siya pinatulan e di sana .... hindi mangyayare to. 

Hindi siguro sana sila magsasalita ng ganon sakin. Kahit anong gawin ko hindi na mababago dahil... nangyare na tapos na. Ngayong araw na din malalaman ang resulta kung worth it ba lahat ng masasakit na salitang narinig ko galing sa kanila. 

Alam kong tinitignan na ako ng mga taong nakakasalubong ko ngayon sa corridor. Marami na kasing papasok pa lang kaya halos puno na mga studyante ang daanan. Hindi pa din ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa comfort room. Pumasok ako agad sa loob at dumiretso sa isang cubicle at nilock ko agad.

Sumandal ako sa pinto at nagbuntong hininga. Nakalayo na din ako sa kanila.... Napapikit na lang ako. Pinunasan ko ulit yung luha sa may pisngi ko. Maya-maya nariniig kong may pumasok rinig ko dito yung pinaguusapan nila tungkol sa mga party-list.

"... sino bang iboboto niyo mamaya, ha?..."

"...hindi ko pa nga alam e... pero meron na akong top choice..."

"...a basta ako kung nasan si Daniel don ako... ang utak talaga nung babaeng yon noh?... gamitin ba naman si DJ para lang sa campaigne niya?..."

"... ipangbribe daw ba ang sariling boyfriend sa mga babae?..."

"...tsk.tsk.tsk... hindi kaya nahahalata ni Daniel na ginagamit lang siya?... halata naman sa itsura niyang pera lang ang habol ng babaeng yon...." 

Maya-maya pahina na ng pahina ang boses nila. Wala na akong narirnig na nagkwekwentuhan pa siguro umalis na sila. Kahit ano pa lang gawin kong tago sa kanilang lahat hindi ko sila matatakasan.

"... Kathryn... matatag ka diba? o bakit ngayon ng dahil lang sa mga sinabi nila umiiyak ka?..." kinakausap ko ang sarili ko. Kahit ako hindi ko rin alam ang sagot. Napatunayan ko lang na kahit matatag pala ang isang tao .... meron din itong kahinaan.

Walang mangyayare sakin kung iiyak lang ako dito buong araw ng dahil sa kanila. Hindi naman tamang magmukmok ako sa mga narinig ko diba? Nagbuntong hininga muna ako at kinalma ang sarili ko.

Makalipas ang ilang minuto medo magaan na ang pakiramdam ko. Bunuksan ko na yung pinto at lumabas wala pa ding tao sa loob kundi ako na lang. Nakita ko agad yung itsura ko sa salaming nasa harapan ko ngayon. Medyo namamaga pa yung mata ko at namumula...

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon