Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Kathryn’s POV:
Heto na naman po kami ngayon sa library. Ano pa nga ba e di tinututoran ko tong lalakeng to. Hindi ko na yata kakayanin kahit na 2nd day ko palang siya nakakasama gusto ko ng makagraduate agad.
Mas mahirap pa siyang turuan kesa sa mga pre-schoolers.
Sigh.
Bakit ba kasi ayaw niyang making sakin? Buti nga siya makikinig na lang at hindi mauubusan ng laway sa kakasalita ayaw niya pang gawin.
“… matagal pa ba yan??...” tanong niya sakin.
“… Natural. E, kung kanina ka pa sana nakinig siguro ngayon nakatapos na tayo ng isang subject…” inis na sabi ko sa kanya.
“…isang subject pa lang ba?!?...” gulat na tanong niya sakin.
“… anong bang akala mo? Matatapos tayo agad ng hindi ka nakikicooperate??...” tanong ko.
“…o sige na, sige na…” sabi niya sakin.
Pinatong niya yung siko niya sa table at yung baba niya sa kamay. Napaka tamad talagang mag-aral. Hindi niya ba naiisip yung perang ginagastos ng mga parents niya para sa kanya? Palibhasa mayaman e. Hindi niya alam ang hirap ng buhay.
Nagexplain na ulit ako and so far hindi na siya nag-iingay mukang nagcoconcentrate na siya ngayon.
“…ang mga slav… sila yung mga Indo-Europeo na naninirahan sa Silangang Europeo…” nageexplain ako sa kanya ngayon habang siya naman tahimik.May narinig akong cellphone na nagriring sana naman po hindi siya yun please. Tumigil muna ako sa pagbabasa ng makita ko siyang may kinakausap na naman sa cellphone. Nakita ko din yung mga eroplanong papel na nakakalat sa table namin at sa sahig.
Argh! Kaya pala hindi siya nagiingay e busy pala sa paggawa ng mga yon.
Naiinis na talaga ako sa kanya!
“…Nasa school pa din. Bakit may problema ba?...” tanong niya.
Matapos hindi makinig sakin nakuha niya pa ngayong makipagtawagan.
“.. Ano ba tigilan mo na kasi yan…. “ kinuhuha ko sa kanya yung cellphone tumayo siya at hinarang yung kamay niya sakin.
“..Saan ba ha??..” tanong niya ulit. Naku may lakad pa yata ang loko ha?
“…hindi tayo makakatapos nito e!!...” sigaw ko sa kaling marinig man kung sino man yung kausap niya sa kabilang linya. Bigla siyang tumakbo kaya hinabol ko tuloy. Nasa may dulo kami kaya hindi kami kita ng librarian.
Nakita ko siyang nagtatago sa may sulok kaya dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Hinintay ko muna siyang makatayo.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...