Gala

29.6K 190 36
                                        

Heartstrings 

© Copyright 2013 All Rights Reserved 

Now Showing…

------------------------

>Transformer 4

>The Dark Night

 >Hannah Montana the movie

>Monte Carlo

 ----------------------

Sa dami ng magagagandang movies ngayon hindi tuloy kami makapamili ni Nicole. Mahaba din yung pila kaya may oras pa kami makapag-isip kung ano talaga ang the best. Sa tingin ko nahihirapan din siya ngayon mamili kagaya ko. Lahat na lang kaya panuorin namin?Kaso ang mahal naman ng ticket at tsaka wala naman akong perang ipanggagastos.

Lumapit kami don sa may counter.

 

“…ikaw ate nakapili ka na ba??...” tanong niya sakin.

 

“…ewan ko nga e… lahat kasi parang maganda panuorin… ikaw ba??...” napatigil muna kami saglit.

 

“…ewan ko din nga… itanong na lang natin don…” sabi niya.

Nakipagsiksikan kami sa mga taong nakapila para makapunta sa kabilang line. Kukuha kami ng ticket para makapasok na.

Nabunggo ako kaya nabitawan ko si Nicole natapon pa yung popcorn na hawak ko

Alam ko ng mangyayare sakin nito.

Bago pa ako tuluyang matumba may naramdaman akong humawak sa bewang ko....

Daniel’s POV:

Nakatakas din kami sa mga  stalker namin sa campus halos isang oras din kaming nagpasikot-sikot para lang makaalis. Sigh. Buti na lang nakarating na kami ngayon sa mall mas malapit kasi to sa campus at napagod na din kami sa kakatakbo kanina.

Magpapahinga muna kami dito at kung maisipan e di alis ulit…

“…grabe, akala ko hindi na tayo don makakaalis…” sabi ni Gothico habang naglalakad kaming lima.

 

“…buti na lang nakaisip ng paraan tong si Lester…” tinapik ni Katsumi sa balikat si Lester.

.“…buti na lang kamo matulin tayong tumakbo…” sabi naman ni Jay Ace.

 

“…dahil kung hindi…patay tayo…” sabi ko naman.

Naglibot muna kami sa loob at kumain na din.

 

“…mga pare, nuod tayo ng sine may magandang palabas ngayon…” aya samin ni Lester.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon