Heartsrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Kathryn's POV:
Ilang araw ding gising-bangon-kain-pasok sa school-meeting-tutorial class. Gabi na din akong nakakauwi sa bahay nagtatanong na din si mama kung bakit napapadalas na. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din nasasabi sa kanya tungkol don sa candidacy.
Mabuti ng ako na lang ang mamroblema non tutal sa school yon at responsibility ko na dapat yung mga ganong bagay. Isa pa hindi naman ako nag-iisa nandiyan naman yung mga classmates na tumulong din sakin lalo na si Nicky.
At si Daniel.
Kahit na siya ang pasimuno ng lahat nga ito at kung bakit nagkagulo-gulo ang tahimik kong buhay lately pero nandiyan din naman siya para tumulong sa party-list namin.
Para tumulong sakin.
Kahit na minsan imbis na mapadali namin yung isang bagay para gawin ng dahil na naman sa kagagawan niya at pangengealam mas naging mahirap pa para sa aming lahat.
Alam ko naman na gusto niya ring tumulong kagaya nga ng parati niyang sinasabi sakin sa tuwing nauubusan na ako ng pasenysa pero mas makakatulong siguro siya kung bawasan yung kakulitan diba? Kahit konti lang ok na ako don.
Ngayon na ang araw ng 'Science Fair' kung saan lalabanan namin ang iba't-ibang universities. Maaga akong nagising dahil ang bilin sakin ni Mrs. Tervor before 6 daw kailangan nasa campus ground na kami dahil kung hindi iiwanan na kami.Naghahadali akong nag-ayos ng sarili kahit na ba malamig ang tubig dahil nga sa napaka-aga pa kape lang ang katapat niyan. Nagbihis na ako agad civilian at kinuha yung bag at mga books bilang reference sa gagawing explanation mamaya kung sakasakali man.
Lumabas na ako ng kwarto hindi ko na ginising si mama. Alam kong napagod siya kagabi nag-overtime kasi siya kaya ginabi na rin kaming dalawa nung nakatulog. Hindi na ako nag-almusal meron naman kasi akong madadaanang panaderya sa daan.
Nagiwan na lang ako ng sulat at dinikit don sa may ref.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa bike.
Nilock ko muna yung gate namin bago ako umalis.
Medyo madalim pa sa daan kaya binagalan ko lang yung pagpipidal mahirap na mas mabuti na yung segurado diba? Baka ano pang mangyare sakin...
Bigla ko tuloy naalala nung isang-araw
Flash back.
Papauwi na ako nun nasa parking lot na ako ng campus. Hindi ko namalayang hindi pala balanace ang pagkakalagay ko don sa mga libro kaya tumapon. Pinulot ko agad ng may napansin akong lalakeng nagpupulot din... si Daniel.
"...o, anong ginagawa mo dito?..." gulat na tanong ko,
"...e, di tinutulungan kang magpulot..." sagot niya.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...
![Heartstrings:The Deal [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/675450-64-k482820.jpg)