Buwan ng Wika

26K 168 29
                                    

Heartstrings

© Copyright 2013 All Rights Reserved

Kathryn's POV:

"...ma, alis na po ako..." sabi ko nasa may pinto na ako ngayon palabas na.

 "...o, anak hindi ka pa kumakain ha? Masama sa umaga ang walang laman ang tiyan..." nagsuot na ako ng sapatos ko.

"...hindi na po ma... kailangan po kasi ako don ng maaga sa school..." sabi ko.

"...alis na po ako..." nasa may gate na ako ng bahay namin.

Sasakay na sana ako sa bike ng tinawag ulit ako ni mama.

"...anak! sandali lang..." hinintay ko munang luambas ng bahay si mama.

Nakita kong may dala-dala siyang maliit na paper bag.

"...ito anak nagluto ako ng baon mo dalhin mo sa school sakaling magutom ka..."nangiti ako.

"...thank you ma..." sabi ko.

"...o, sige na... mag-ingat ka sa daan..." niyakap ko siya. "...bye, ma!..." umalis na ako.

-----------------------------------------

Nakarating na ako sa school may program kasi ngayon kaya kailangan maaga. Pumasok na ako sa loob at katulad ng dati madaming tao na naglakad kung saan-saan. Nilagay ko muna sa locker ko yung mga gamit at yung pinabaon sakin ni mama. Makakatipid ako ngayon dahil hindi na ako bibili ng pagkain mamaya.

Pumunta na ako sa gym at hindi ko expected na halos puno na pala.

Saan ako ngayon pwepwesto nito?

Sa dami ng taong labas masok sa loob ewan ko na lang kung may mauupuan pa ako.

Naghanap na ako as loob at nagbabakasakaling may makita pang bakanteng upuan. 

"...ATE!!!..." napalingon ako agad nung narinig ko yung boses ni Nicole kahit na napakaingay na.

"...ate!..." dali-dali siyang lumapit sakin.

"...nakakahingal.. hay..." nagpahinga muna siya saglit.

"....ate, kanina pa kita hinahanap baka maubusan na tayo ng pwesto don..." sabi niya sakin.

"...tara na..." hinila niya ako agad.

Kapag may program siksikan sa loob ng gym katulad ngayon.

Buwan ng Wika nga pala ang celebration.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon