Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Mr. Stratford's POV:
...Ito pala ang sinasabi nilang mortal na karibal ng University namin. Hindi na ako magtataka kung bakit ba wala ni isa ang gustong magpatalo kitang-kita naman sa facilities at structures ng mga buildings sa madaling sabi "high-standard" ang pinapairal.
Maraming gustong makapasok sa mga Universiting tulad nito. Hindi ko rin sila masisi dahil siguro kung hindi ako nabigyan ng chance para makapagenroll sa "Stratford North Western University" siguro gagawin ko lang ang lahat para makapasok, e, ang kaso pinalad ako sabihin na nating nasa dugo ko na talaga...
Ang sabi nila mayayabang daw kami lalo na kung malalaman nila kung saan kami nag-aaral.
Ang sabi nila karamihan sa mga private schools nag-aaral suplado't maldita...
Ang sabi nila ang unang tinitignan daw namin "status" sa buhay... pero malaki ang magkakamali nila hindi nila dapat nilalahat diba? Meron namang mga may-kayang mababait... hindi lang lahat.
Bakit ba karamihan sa mga tao ngayon madaling manghusga? Ang labo-labo nila...
"... sir, nanadito na po tayo..." Nakita ko agad ang malaking gate na nasa unahan namin nakalagay don ang pangalan ng school. " North Richmond University" May nakita akong guard na lumapit sa sasakyan namin.
"... good afternoon, sir... ano pong ipagliikod namin?..." tanong nung guard.
Nilingon ako nung driver at sinenyasan kong ako na ang magsasabi ng pakay namin dito. Binaba ko yung bintana para sabihin sa kanya. "... good afternoon sir..." bati sakin tumango ako.
"... tumawag na yung university namin na meron lang pong isusubmit na papers sa office niyo..." sabi ko sa kanya. May kinausap siya saglit at maya-maya pinapasok na kami sa loob.
Hindi rin pala iba to sa school gruond ng campus namin madami ding taong gumagala. Teka, anong oras na ba? 9:10 palang ha? Siguro break time nila kaya ganun. Humanap muna kami ng mapaparadahan.
Nasan na kaya siya?
Ang totoo lang e kaya ako pumayag at nagprisintang maghatid dito ng mga papers para lang makita siya ulit. Sigurado akong dito siya nag-aaral at kung tatanungin niyo kung bakit ko nalaman? Madali lang... anong gamit ng source at isa pa hindi na nakapagtatakang makalimutan ko yung magandang mukhang yon...
Napangiti ako ng maalala ko yung nangyare nung una kaming nagkita...
Sino ba naman ang hindi makikilala sa kapatid ng isang Daniel Padilla? Aaminin ko nung una medyo nahirapan ako pero dahil sa tulong nga mga kakilala nalaman ko rin kung anong pangalan niya...
Nicole Padilla
Hindi na ako makapaghintay na marinig ulit yung boses niya at yung mukha niyang asar na sar sakin nung araw na yon. Pero bago ko muna gawin ang binabalak ko kailangan ko munang ipasa to sa office nila at siguro pagkatapos non lilibutin ko na lang tong buong campus nila para mahanapn lang siya.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
ФанфикHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...