Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Kathryn's POV:
Lumabas na kaming dalawa nagdadalawang-isip pa nga ako kanina pero sa tingin ko seryoso siya sa sinabi niyang sasamahan niya ako kaya ito kami ngayon. Naiilang pa din ako sa suot ko palibhasa hindi talaga ako sanay ng ganito ang suot.
"...may problema ba?..." tanong niya sakin.
Napahinto ako saglit at tinignan siya.
"..ha?.... wala..." nagnod siya at naglakad na ulit.
Ano ba yan pati siya nahahalata na.
Hayy, Kathryn realx alam kong kaya mo yan...
"...bilisan mo na diyan!..." sigaw niya.
Sumunod na din ako sa kanya maya-maya ang tulin kasing maglakad e...
Malapit na kami sa gym ng bigla siyang huminto.
Tinignan niya muna ako.
"...anong oras ba yung try-out?..." tanong niya sakin.
"...1 o'clock..." tinignan niya yung relo niya.
"...may 30mins. pa..." sabi niya.
"...hintayin mo lang ako diyan..." bago pa ako magtanong kung bakit tumako na siya agad.
"...ano bang gagawin non at pinaghihintayin pa ako?..."
Naupo muna ako sa bech malilim naman dahil may punong katabi. Tinitignan ko yung mga taong naglalakad wala kasing klase kaya ang buong campus parang may program at ang gulo-gulo kahit saan. Sigh. Ganito naman talaga ang set-up mas wild pa nga kapag intrams dahil open sa lahat...
Daniel's POV:
Pumasok ako agad sa gym ng may tumawag sakin sa taas.
"...DJ!!! nandito kami, pare!..." sa lakas ng boses panong hindi agad ako mapapatingin sa kanila.
Kumaway si Katsumi na para baliw don sa taas.
"...Oo, nakikita ko kayo!..." sigaw ko ng matigil na sa kakatawag sakin.
Pumunta ako sa pwesto nilang apat.
"...san ba ang punta mo?.. kanina ka pa namin dito hinihintay ha?..." tanong ni Jay Ace sakin.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...