Be my Girlfriend

27K 178 21
                                    

Heartstrings

 © Copyright 2013 All Rights Reserved

Daniel's POV:

Nakarating na kami sa school ni Nicole. Ito na naman ... boring. Sigh. Bakit pa kasi nahuli pa ako kanina  sayang naman yon konti na lang pasado na yung arte ko. Hay, Kailangan ko pa siguro ng workshop para mas effective ang arte ko.

"...thank you, manong..." bumaba na agad si Nicole ng sasakyan habang ako nasa loob pa din nakaupo. Wala akong balak na tumayo pa sa kinauupuan ko ngayon .

"...kuya, tara na kaya..." sabi ni Nicole sakin.

Naku naman... tinatamad talaga ako ngayon e.

Kinuha ko na yung bagpack ko at lumabas na ng sasakyan kahit labag sa loob ko  at wala sa mood.

Buhay estudyante nga naman...

Nasa  hallway na ako ngayon naglalakad hindi ko namalayan na may tao na pala sa harapan ko kaya nagkabungguan kaming dalawa. May mga nakita akong papel na nilipad at natapon sa baba dali-dali kong kinuha para tulungan siya.

"...sorry..." sabi ko habang pinupulot yung mga papel at libro na nagkalat.

"...Daniel..." napahinto ako nung marinig yung boses na yun.

Yung boses ng taong gusto kong iwasan.

"...Julia..."

Naalala ko bigla nung araw na nagkita kami ulit pero anong ginawa ko inaway ko siya agad. Sa tuwing maaalala ko yung pag-iyak niya sa harapan ko gusto kong magalit sa sarili ko kung bakit ko pa nagawa yon.

"..it's ok Daniel..." sabi niya sakin habang inaayos yung mga papel.

"..hindi kasalanan ko pasensya na..." tumayo na kaming dalawa at tinignan ang isa't-isa.

Aaminin ko na namimiss ko yung mga oras na ganitong magkalapit kaming dalawa lalo na nung mga bata pa kami.

Gusto ko siyang yakapmi ng mahigpit ngayon pero hindi ko magawa.

"...um.... Julia--" I was cut of by someone.

"...Julia!..." may nakita akong lalakeng papalapit samin.

Teka, lang... siya yung nakita kong sumundo kay Julia.

Anong pangalan nga niya?

"...babe, are you ready?..." tanong niya habang nakatingin kay Julia.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon