Heartstrings

174K 873 128
                                    

Dedicated tong fan-fic to my sis "Mich" avid fan siya ni DJ and I get inspired sa mga stories niya about him. None-stop siya when it comes to him. :)

Heartstrings:The Deal © Copyright 2013 All Rights Reserved

-your deepest feelings of love and compassion

Meet Kathryn Chandria Bernardo isang ordinaryong studyante ng North Richmond. Kilala bilang isang bookworm at academic wizard dahilan para malabel siyang ‘nerd’ ng mga schoolmates niya. Sa kabila ng mga judgments sa kanya pinapanatili niyang matatag ang sarili at tinitignan ito bilang isa sa mga pagsubok na kinakaharap niya sa buhay.

Meet Daniel John Ford Padilla kilala bilang 'popular' sa studyante ng North Richmond. Sa angkan ng Padilla nanggaling at sa apelyidong nakapangalan sa kanya halos lahat ng tao iniiwasan siyang makabangga. Kilala rin siya sa pagiging pasaway at takaw gulo sa loob ng campus. Ang akala ng lahat nasa kanya na ang lahat pero ang hindi nila alam wala na siyang ibang hihilingin pa kundi magkaroon isang simpleng pamilya basta’t sama-sama.

-SYNOPSIS-

Sa  katigasan ng ulo, kakulitan, pasimuno ng kalokohan at pagiging pabaya ni Daniel napansin ng buong faculty stuff ang panganganib ng grades nito. Nakikita na nilang lahat na kung hindi pa rin magbabago at kung hindi parin magiging responsible siya malaking chance na magiging repeater siya next year. Naka-isip naman agad ang mga nito ng solusyon at yun bigyan siya ng isang ‘personal tutor’.

Nung una hindi sumang-ayon si Daniel tungkol dito pero dahil sa wala na siyang magagawa tinanggap niya na ang natitirang solusyon para hindi siya tuluyang bumagsak. Hindi niya lubos akalain na ang magiging ‘personal tutor’ niya pala ay walang iba kundi ang kaklase niyang si Kathryn.

Sa unang pagkakataon bago pa sila magsamang dalawa at sa hindi sinasadyang pagkakataon nagkrus ang landas nila. Doon unang narinig ni Daniel kung pano siya sagutin nito. Sa unang pagkakatagpong iyon nakisabay pa ang tadhanang pag-awayin silang dalawa.

Away-bati ang set-up nilang dalawa. Sa araw-araw na magkasama pagkatapos ng klase mas nakikilala nila ang isa’t-isa. Nalalaman nila ang gusto at ayaw ng isa’t-isa. Hindi rin ma-iwasan ang asaran at bangayan lalo na’t kung meron naman talagang point ang isa.

Hindi akalaing dadating pa araw na makikita muli ni Daniel ang kababata niyang si Julia. Bumalik na naman ang masakit na ala-ala nito na hanggang ngayon pilit niya paring kinakalimutan. Iniwan na siya nito noon naramdaman niya kung ganito kasakit mawalan ng minamahal kaya samuling pagbabalik nito sa buhay niya titiyakin niyang hindi niya na ito pakakawalan pa.

Ngunit kahit tadhana na ang naglapit muli kila Daniel at Julia merong pa ring mga ‘harang’ na nakapagitan sa kanilang dalawa. Nalaman ni Daniel ang masakit na balita na meron ng ‘boyfriend’ ito gumawa ng paraan.

Doon na niya nilapitan si Kathryn at pinakiusapang magpanggap bilang ‘fake-girlfriend’ nito. Alam ni Daniel na hindi papaya si Kathryn kaya niya ito ginamitan ng pangbla-black-mail. Nakasalalay ang scholarship niya dito na tanging paraan na lang para maka-ahon sila sa hirap ng kanyang ina. Kahit labag sa loob at nagdadalawang isip pumayag siya sa gusto ni Daniel.

Nagkaroon ng deal ang dalawa na both naman sila ang magbebenefit pero ang hindi nila alam sa huli sila rin ang talo...

Matatapos pa kaya nila ang sinimulan nilang laro ng pag-ibig?

-ilovemitchietorres-

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon