Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Daniel's POV:
Hinanap na namin ni Julia ang mga kasama namin. Nahirapan din kami dahil sa dami ng tao buti na lang nagtanong si Julia kung nasan ang pwesto ng University namin kaya ito hinihintay na lang kami para kay....
"...Kathryn!...." hinahanap siya nung kasama naming teacher.
Tss... kung saan-saan kasi nagpupupunta yung babaeng yon e. Manong pagkatapos niyang kunin yung kung ano man yang nasa stage e dumiretso na siya dito diba?
At kung sino-sino pang sinasamahan. Ang dami-daming tao diyan bakit yung lalakeng yon pa. Meron namang tiga-school na kasama siya o yun bakit hindi niya kausapin at hindi yang tiga-Stratford na yan.
Hindi ba niya nakikita na karibal na kaaway ng University namin yan? Nakuha pang makipagkaibigan ni Kath sa kanya? Sa LAHAT ng pwede bakit siya?Bakit tiga-STRATFORD NORTH WESTERN pa?
Malaman ko lang talaga kung sino yon....
Malaman ko lang na may gawin siyang mali.... makakatikim sa akin ang hinayupak na yon.
"...Kathryn!!..." kinakausap ako ngayon ni Julia pero ni isa sa mga sinasabi niya walang pumapasok sa utak ko. Ewan ko ba kung bakit pero meron lang talaga akong isang priority ngayon.
Tumatango na lang ako sa kanya para makita niyang nakikinig ako kahit na hindi. Hinahanap ko kung nasan na ba sumiksik yung si Kathryn at kanina pa siya tinatawag hanggang ngayon wala pa rin.
"...Daniel..." napatingin ako kay Julia nakasimangot siya sa akin. "...sino bang tinitignan mo diyan ha?At kanina ka pa hindi mapakali?...." tanong niya sa akin.
"...ha?... wala..." sabi ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at nagkwento ulit. Nakinig na ako sa kanya dahil alam kong magagalit siya kapag ni isa sa sinabi niya e wala akong natandaan. Naalala ko kasi nung maliit pa kami ang gusto niya siya parati ang pinapakinggan lalo na kapag nasimula na siyang magkwento ng kung anu-ano..
Napatingin ako bigla sa isang direction..... hanggang sa makita ko na si Kathryn na papalapit sa amin.
At ng magkatinginan kaming dalawa hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na iyon para titigan siya ng ilang segundo.
Kathryn's POV:
Nilapitan ko na yung group namin. Habang papalapit ako napansin kong may nakatingin sa akin.
Si Daniel.
Anong ginagawa niya dito?
At bakit parang galit yung expression ng mukha niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/675450-288-k482820.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanficHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...