Heartstrings: Date or Fake? Part 2
Continuation…
Kathryn’s POV:
Ito na ba talaga yung “First Official Date” naming dalawa katulad nga ng sinabi ni Daniel kanina? Iba ang pakiramdam lalo na nung sa kany ko narinig yung mga words na yun kanina. Hanggang ngayon hindi pa rin magsink-in kung totoo ba to o nanggo-good time ba siya?
Ilang minute na din ang nakakalipas nung umalis kaming dalawa sa campus.
Akalain niyo yon sa buong buhay ko hindi nasubukang magcutting ng klase dahil alam kong walang patutunguhan yon pero heto ako ngayon nakipagkuntyaba pa kay Daniel. Na isa rin sa numero unong pasimuno kung bakit ko nagagawa yung mga bagay na dati hindi ko maisip na gawin.
“… uy, magsalita ka naman diyan…”
Napatingin ako sa kanya.
Maya-maya huminto ang sasakyan nagred na kasi yung stoplight nasa crossing na kami ngayon.
Anong sasabihin ko naman? Sa isip-isip ko.
Tinignan niya ako nakahawak pa din yung isang kamay niya sa manibela.
Dahil sa wala akong masabi nagtitigan na lang kaming dalawa.
“… ayos ka lang ba?...” tanong niya sakin.
Napalunok ako sa kaba. Ewan ko ba bigla-bigla na naman tong kakaibang nararamdaman ko.
Umiwas na ako ng tingin sa kanya at binaling na lang to sa sasakyang nasa unahan naming dalawa.
“… saan ba kasi tayo pupunta?...” iniba ko na ang usapan. Hindi ako kumportable sa situation naming ngayon. “… hindi kaya tayo papagalitan kapag nalamn nilang nagcutting tayo?...” tanong ko.
Nararamdaman ko pa din ang titig niya sakin.
“…sus, normal na reaksyon na yon ng mga teacher hindi ka pa ba nasanay?...” sabi ni Daniel na para bang natural lang na gawin naming ang cutting class. “… wag kang mag-alala akong bahala sayo..”
Napatingin ulit ako sa kanya.
“… ngayon ang gawin mo lang magenjoy kapag kasama ako….” Sabay ngiti nito.
Kung hindi pa siguro umandar ang mga sasakyan ewan ko na lang. Ang mangyayare sakin napabuntong hininga ako at tinignan ang mga sasakyang kasabay naming ni Daniel.
Ano bang nangyayare sakin?
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...