Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Daniel’s POV:
Hindi ako pumasok kahapon wala kasi ako sa mood. Oo, alam kong sasabihin niyong kailan pa nga ba ang isang Daniel Padilla magiging masipag sa pag-aaral?Sabagay kahit simula pa ng una tinatamad na ako. Bakit ba? Buhay ko to kaya ang gusto ko ang masusunod.
Grades?
Tss,Ano naman ngayon kung bumagsak ako?
“…pare bakit ka absent kahapon?...”tanong sakin ni Katsumi habang umakbay ito sa balikat ko.
“…oo nga naman…” sabi ni JC naglalakad kami ngayon sa papuntang canteen.
“…masama lang pakiramdam ko…” sagot ko.
“…sus, talaga lang ha?O, inaatake ka na naman ng katam?...” tanong ni Lester sakin.
“…nadali mo!!...” nagtawanan kaming lima.
“…may assignment ka ba?...”tanong ni Gothico.
“…hindi niyo naman sakin sinabi natural e di wala…” sabi ko.
“…bahala ka kay Mrs. Tervor mamaya…” pananakot sakin ni JC.
“…tss…ano ba kayo ha?Anong silbi ng tutor??...” sabi ni Katsumi.
Natigilan ako bigla.
Teka lang pano nila nalaman yon?!?
Mukha yatang nabasa ni Katsumi yung iniisip ko kasi sumagot na siya agad.
“…sinabi samin ni little sis mo…” sabi na nga ba eh.Aasarin nila ako nito kaya ayaw kong ipaalam. Hay, naku. Nakarating na kami sa canteen at bumili ng breakfast hindi kasi ako kumain sa bahay tinanghali na ako ng gising kanina.
Kumain na kaming lima.
“…and speaking of….. namimiss ka na daw…” sabi ni JC.
“…Ako? Namimiss?Sino naman?...” tanong ko habang kumakain ng chicken sandwich.
“…e di si Kath...” nabulunan ako agad at hindi na makahinga.
Tinapik ni Katsumi yung likod ko habang ubo ako ng ubo.
“…O! tubig!...” ininom ko agad.
“…ano ok na?...” tanong sakin ni Katsumi nagnod lang ako ang sakit ng lalamunan ko .
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
ФанфикHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...