Heartstrings
Daniel's POV:
Ano bang ginagawa ko? Si Nicky galit at hanggang ngayon hindi ako pinapansin. Hindi ko siya masisi napagisip-isip ko lang lahat ng katangahang ginawa ko nung isang araw. Nagpadalos-dalos na naman ako at sinabayan ko ba ng init ng ulo.
Wala na akong magagawa nangayare na e.
Nakakaguilty kasi nung pinuntahan ko si Nicky sa kwarto para kausapin narinig ko siyang umiiyak. Oo, natural lang sa magkapatid ang mag-away paminsan minsa pero hindi pa kami humahantong sa ganito na napapaiyak ko na siya.
Nakakahuilty.
Hindi ba banas na banas ako kapag nakikitang may nagpapaiyak sa kapatid ko? Gusto ko ng sunggaban ng makaganti dahil bilang nakatatanda responsibilidad kong protektahan siya.
Bilang kuya dapat iniintindi mo ang nakakababata mong kapatid pero anong ginawa ko?
Pinairal ko ang init ng ulo kaya anong kinalabasan?
Galit sakin ang kapatid ko.
Puro palpak ang mga nagagawa ko nitong mga nakaraang araw. Napapadalas na yata mali lahat ang nagagawa kong desisyon. Ano bang nangyayare sakin? Mag-isip ka nga Daniel.
Kaya naisipan kong makipagjamming ngayon kila Katsumi. Matagal-tagal na din kaming hindi nakakapagkwentuhan. Makapaglabas naman ng problema sa barkada sila lang ang naisip kong puntahan sa mga oras tulad nito.
Sa bahay ni Katsumi ang destinasyon namin ngayon.
Pinarada ko muna sa gilid at bumaba.
Rinig ko na ang tugtugan nila mula rito sa labas. Ako na lang yata ang kulang.
Nagdoorbell ako at maya-mata pinagbuksan na ako ng isa sa kasambahay nila. Dumiretso na ako sa loob alam ko naman kasi kung na saan sila at hindi nga ako nagkamali ng marinig ko na papalakas na yung tunog kesa kanina.
Yung dating bodega nila ginawa na lang na tambayan namin at kung minsan dito na din kami nagprapractice kapag may program sa school.
"... Diyan na pala si DJ..."
"... o, pare kamusta?..."
Nakaset na pala lahat ako na nga lang ang kulang.
"... eto puro kapalpakan ang mga nagagawa..." sagot ko habang inaayos yung plug ng base guitar. Bigla silang tumahimik sa pagkwekwentuhan at napansin kong lahat ng mata nila nakatingin sakin.
"... ano bang ginawa mo?..." si Katsumi ang unang nagtanong.
"... galit sakin kapatid ko..." sagot ko.
"... natural lang naman yon hindi ka pa ba nasanay sa inyong dalawa?Sus, naman masyado mong pinapalaki ang problema mo..." napa-iling na lang siya. Tinutono niya ngayon yung gitarang hawak niya.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...
![Heartstrings:The Deal [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/675450-64-k482820.jpg)