Heartstrings -editing-

23.2K 159 24
                                    

I know late UD pasensya na to all the readers talagang busy lang ako >.< ang daming school works sabayan pa ng drawing plates... sana matapos ko lahat this weekends.

Heartstrings

© Copyright 2013 All Rights Reserved

Kathryn's POV:

Kahit kailan talaga hindi ko mainindihan tong si Daniel. Una, magagalit siya bigla-bigla sakin na hindi ko man lang alam kung ano bang ginawa kong mali. Tapos ilang araw lang magbabago na naman kung nung una siya ang nagalit ang resulta walang pansinan then bigla-bigla na naman niya akong lalapitan at kukulitin hanggang sa makuha niya ang gusto niya.

Ewan ko ba sa kanya. Ang gulo-gulo niya alam niyo ba yung taong hindi niyo alam kung totopakin ba o hindi. Basta ganon ang gulo pati nga ako ngayon gulong-gulo na sa nangyayare sa buhay ko. Hindi naman ako dating ganito ha? kasi dati hindi naman ako masyadong namomroblema pero bakit ngayon parang sunod-sunod yata...

Hay, ngayon ko lang narealized ang pinasok ko.

Ngayon ko lang narealized na sa dalawang letra na binitawan ko ganito pala ang magiging kapalit. Kung ibabalik siguro ang dati wala pa rin naman akong choice e siguro nga tadhana na ang lumapit at nagbigay sakin ng challege kung pano at kung hanggang saan ako magiging matatag bilang "fake" girlfriend ni Daniel John Ford Padilla.

Ang hirap pala kung nung una wala pa akong masading idea sa kalalabasan kundi puro haters lalo na sa mga babaeng hindi ko naman kilala sa loob ng campus. Minsan nga nagugulat pa ako kapag hinaharang ako sa daan o di kaya kapag nasa comfort room ako at nag-aayos merong lalapit at magpapakilala sakin. Nakakastress kung iisipin pero gaya nga ng parati nilang sinasabi e-enjoy lang ang buhay.

Ito ako ngayon nakaupo sa kabilang side habang pinapanuod ang mga boys na naglalaro ng basketball. Gaya nga nga sinabi ni Mr. Gonzales pinauna muna sila para magkaroon kami ng idea kung pano ba ang paglalaro non. Alam kong karamihan saming mga girls hindi masyadong marunong mahilig lang talagang manuod.

Ilang minuto na din silang nakasalang at isa don si Daniel dahil nga sa nagpresinta siyang maging team captain kasama siya sa unang players ng grupo namin. Pabalik-balik sila kanina nasa kabilang court sila maya-maya lang may narinig akong pito. 

"...  water break!!..." sigaw ni Mr. Gonzales sa kanila. Huminto na sila sa pagaagawan sa bola at naglakad na pabalik don sa kani-kanilang team. Bumalik na din sila Daniel halatang napagod sila sa kakatakbo ikaw ba anman ang magpabalik-balik diba?

Uminon na ng tubig ang iba at nagpunas na ng pawis. Kitang-kita ko sila dahil nakapweto ako sa taas may classmate naman akong nakaupo rin kahilera ko. May napansin akong lalake agad hindi siya mapakali para bang may hinahanap na kung ano. Palakad-lakad siya habang tinitignan isa-isa lahat ng nakaupo.

Ano na naman ba ang problema nitong lalakeng to? bakit ba parati na lang siyang may hinahanap muka tuloy batang nawawala...

E, bakit ba iniisip ko pa kung sino nga yon alam ko naman ang sagot. Hay, bakit ba parati na lang akong napapaisip? Bahala nga siya maghanap diyan ng maghanap hanggang sa magsawa na siya. Nagmuni-muni na lang ako at nilibang ang sarili mamaya pa kasi kami maglalaro...

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon