First Tutorial Class

37.7K 312 31
                                    

Heartstrings

© Copyright 2013 All Rights Reserved 

Daniel’s POV:

Hindi sakin sinabi ni Mrs. T kung sino yung magiging tutor ko. Surprise daw? E ang tanong masusurprise naman ba ako? Papunta na ako ngayon sa library. Ano kayang magandang gawin bago kong target ngayon? Sigurado akong isang teacher din yon na puro "gawin mo yan, gawin mo to… Blah.Blah.Blah"

Nakarating na ako at pumasok sa loob.

Konti na lang yung mga studyanteng nandon uwian na kasi. At yun ang gusto kong gawin ngayon ang umuwi na sa bahay at matulog. Wala naman akong teacher na nakita don. Siguro nainip at umuwi na din.

Sana nga.

Lumapit na ako don sa desk ng librarian. Napahinto siya sa pagbabasa at tinignan ako ng masama. Tss, naistorbo ko yata sa ginagawa niya. “…is there anything you need??...” tanong niya sakin.

“…Mrs. Ter- I mean Mrs.  Tervor just told me to be here for my tutorial class…” sagot ko.

May kinuha siya sa drawer na maliit na papel at binigay sakin. 

 

“… that will be your attendance everyday…” nagnod ako. “… and for your tutorial just look for the table number 143…” Sure ba siya numberana binigay niya sakin? Table 143 daw? Umalis na ako at hinanap yung table. Nahirapan ako sa paghahanap  hindi ko naman kasi kabisado . Sa totoo lang hindi talaga ako pumapasok dito. Boring kasi puro libro lang makikita at wala ng iba. 

“…nasan naba yon? Kanina pa ako dito naglalakad…” nawawalan na ako ng gana maghanap. Sigh. Umuwi na lang kaya ako wala naman sigurong makakapansin sakin. Wala naman  ding tao. Babalik na sana ako ng may napansin akong nakasubsob sa may table. Nakatulog siguro sa kakaresearch.

I chuckled.

Siya na lang ang natitira don kaya nilapitan ko.

“… nakatulog nga…”

Napansin ko yung number ng table. #143. Tinignan ko ulit yung papel na hawak ko yon nga yung number 143.

 

“… so, it means….”

Napatingin ako sa taong natutulog.

 

“… siya yung tutor ko??...” diba dapat teacher e bakit mukhang studyante din katulad ko? Tinignan ko ulit kung meron pang teacher sa loob  yung librarian  lang.  So, siya na nga yon wala ng iba…

Hindi ko makita yung mukha niya nakasubsob kasi. Hindi ko muna siya ginising  tutal ayaw ko pa din naman mag-aral. Kumuha muna ako ng upuan at tinabihan siya.  Mali pala ang akala ko na magiging boring to. *evil smle* buti na lang hindi pa ako umuwi kundi hindi ko to nakita.

Tinignan ko yung mga librong nasa table niya.

 

“...Chemistry book namin to, ha?...” bulong ko.

Tinignan ko ulit yung ibang libro. Halos pareho kaming dalawa ibig sabihin 3rd year din siya gaya ko kaso sa anong section naman?Ilang minutes na din ang nakalipas at hindi pa din siya nagigising. Nilabas ko muna yung cellphone ko at naglaro.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon