Dedicated to sayo because lahat ng stories ko sinusoportahan mo :) Matagal ko ng gustong sabihin to but now I can say na Maraming-maraming thank you sayo!! :)) I hope till the end nandyan ka pa din for me.... sana magustuhan mo! ^___^
xoxo
Yam
Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Kathryn's POV:
Friday. Ngayon na ang araw kung kailan malalaman na ang magiging resulta ng lahat ng pinaghirapan namin ilang araw at Linggo din ang nakaraan. Ito na yung araw kung saan lahat kami nagaantay na dumating ang S.C.election.
Hindi ko maexplain ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil sa pressure siguro. Hindi naman sa ayaw ko silang makitang madisappoint kung matalo man kami pero ayoko lang na maging malungkot sila sa magiging resulta.
Aaminin ko... pinangarap ko rin na sana kami ang manalo ngayon kung papalarin e di mas masaya pero kung hindi naman tanggapin kasi yun ang binigay samin. Kahit anong mangyare ngayong araw handa na ako kung manalo..... o matalo man kami basta ang mahalaga sama-sama kami diba?
Nasa school na ako ngayon. Pinarada ko muna yung bike ko bago pumasok sa loob. Sigh. Ito na talaga.....
Maaga pa wala pa masyadong tao pano ba naman kasi 6: 35 pa lang ng umaga. Meron pa akong isang oras para magmuni-muni. Hindi pa bukas yung classroom namin kaya bumaba muna ako at pumunta sa kabilang building para pumunta sa head quarters namin.
Habang naglalakad ako sa hallway bigla kong naalala yung nangyare. ..
Flash back...
Tinignan ko yung taong may kagagawan ng lahat ng to. Ayun siya naglakad sa may tabi ko nakayuko pagod na siguro kanina pa kasi siyang walang tigil na kakasalita kanina yan tuloy ang nangyare. Siguro naman dapat may gawin ako para pasalamatan lahat ng effort niya.
Nilapitan ko siya. "...Daniel..." nakita kong tumigil siya saglit at tinignan ako. Hindi na ako naghintay na tanungin niya kung bakit basta lumapit na lang ako at hinalikan siya sa kaliwang pisngi. Nabigla ko siguro tulala e.
Ngumiti ako sa kanya. "...salamat sa lahat..." tinignan niya lang ako at nagnod. Hindi siya makapagsalita kaya na una na akong maglakad sa kanya. Nakakatuwa yung itsura niya hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakailang hakbang na ako ng may naalala ako bigla deserve niya namang magbreak ngayon lahat naman kami pagod.
Nilingon ko siya at nakitang hindi pa din siya nakakagalaw sa pwesto niya.
"...DANIEL!!..." napatigin siya sa direksyon ko. "...wala tayong tutorial ngayon kaya pwede ka ng umuwi ng umaga! Bukas na lang.... salamat ulit!..." nakita kong ngumiti lang siya sakin. Naglakad na ako ulit at hinabol sila Nicky ang layo na kasi nila.
End of Flash Back...
Nakakatawa talaga ang itsura niya sa mga oras na yon. Para siyang tood don na nakatayo ewan ko ba kung bakit ko din ginawa yon pero.... wala namang masama diba? and besides friendly kiss lang naman yon sa cheek wala ng iba.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...
![Heartstrings:The Deal [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/675450-64-k482820.jpg)