Heartstrings
Daniel’s POV:
Halos mag-iisang Linggo na pala akong absent kung saka-sakaling hindi ako papasok ngayong araw. Teka, anong oras na nga ba? 10:30 a.m. makakahabol pa ako kung aalis na ako ngayon dito sa studio kasama ang producer. Ilang araw na naming pinaguusapan ang concept na gagawin naming bago ako magrecording.
Ilang gabi ko din tong pinag-isipan.
At sa huli nabuo na ang desisyon ko na tanggapin ang inaalok sakin ni Julia tutal isa din to sa mga naiisip kong paraan para magkalapit kaming dalawa.
Hindi ba ito naman talaga ang gusto ko nung una pa lang?
Kaya heto ako ngayon kasama ang producer para makaisip ng idea kung ano bang dapat naming gawin sa future ‘career’ ko. Isa siya sa mga taong nagpasikat kay Julia at ito rin ang balak niyang gawin sakin ngayon.
Ito din ang dahilan kung bakit ako absent ng ilang araw na simula ng mtatapos ang bakasyon. Don ko lang kasi sila tinawagan at sinabi ang desisyon kong tanggapin ang offer nila sakin. Si Julia na nga ang nagsabi na hindi lahat nabibigyan ng opportunity kaya bakit hindi ko kunin. Wag ko daw sayangin ang pagkakataon na binibigay sakin.
At ni isa wala pa akong pinagsasabihan tungkol sa desisyon kong to. Wala pa akong balak na ipaalam sakanila sa ngayon…. Kaya dapat paghandaan ko na dahil hindi magtatagal malalaman at malalaman din nila ang sekreto ko.
Nakaupo ako ngayon.
“… DJ…. DJ?...”
“… a-ano ho yon?...” tanong ko ulit. Hindi ko namalayan na hindi nap ala ako nakikinig.
“… nakaline-up na lahat ng list na ilalagay sa soundtrack para sa upcoming album mo. Titignan natin kung ayos ba lahat sayo bago natin masettle lahat-lahat…”
Nagnod ako.
Wala naman akong pakealam kung anong kanta ang ilagay nila.
“… ok, lang sakin…” sagot ko.
Meron siyang mga dalang papel ngayon. Wala akong idea kung anong nakasulat sa mga yon.
Nagsasawa na ako sa lugar na to dahil halaos 4 na araw puro ito lang ang nakikita ko. Hanggang kalian kaya ako magtitiis dito?
“… wala na ba akong gagawin ngayong araw?...” tanong ko. Bored na bored na kasi ako dito.
Sinulyapan niya ako.
“… as for now wala na…” sagot niya.
Napangiti ako bigla ng makakita ng butas para maka-alis na ako.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...