Heartstrings: Chapter 49

19.4K 140 30
                                    

Late na naman po ang UD pasensya na :)

Bigla ko tuloy naalala yung first Intrams week ko sa university ngayong year! Astig :)

Heartstrings: Chapter 49

Daniel's POV:

"...pare, 20 minutes daw sabi ni Mr. Gonzales magsisimula na ang opening ceremony..." tumango na lang ako sa kanila. Maaga kaming pinapunta dito para makapaghanda at makapagwarm-up pa. Ang pinaka-ayaw ni Mr. Gonzales e yung tipong pinaghihintay siya ng matagal katwiran niya maiksi daw ang pasensya niya at wala siyang panahon para aksayahin lang sa paghihintay.

.

.

.

Nasaan na ba kasi siya? Kanina pa ang usapan namin ha pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita?


Flash back

"... o, sige pare mauna na kami si Kathryn!..." binuhat ko na yung gym bag ko at naglakad na palapitkay Kathryn. Halos araw-araw ng practice namin walang palya silang pumupunta sa gym para manuod ng practice game. Utos ko kasi at isa pa saan naman siya maghihintay diba? Mas kampante ako kapag nakikita ko siya hindi kasi ako mapakali....

.

.

.

Tumigil ako sa harapan niya. Tumayo siya agad at inabutan na ako ng tubig. Napangiti ako bigla at tinignan siya. "... ayos ha?..."  hindi siya umimik. Binuksan ko na agadyung cap at ininom yung tubig. Ayos pala masarap inumin malamig e.

.

.

.

Nagpunas ako ng pawis gamit yung bimpong nakasabit sa balikat ko.

.

.

.

"... ano na?..." tanong ko sa kanya. Kumunot bigla ang noo niya habang nakatingin sakin. "... huh?..." tanong nito. "... sa tingin mo kamusta yung practice game namin ngayon?..." tanong ko sa kanya.

.

.

.

Umupo ako sa tabi niya at pinatong yung paa ko sa katapat na upuan. "... hay..." ang sarap sa pakiramdam na nakaupo na. Tinignan ko siya ulit habang hinihintay ang sagot niya.

.

.

.

Tinignan niya yung court na ngayon napakatahimik na kami na lang kasing dalawa ang naiwan. Nauna na sila Katsumi na lumabas ng gym. Napakatahimik....

.

.

.

"... maupo ka nga muna dito sandali..." utos ko sa kanya.

.

.

.

Nakaupo lang kaming dalawa don hanggang sa magsalita na ako ulit. "... malapit na yung first game namin... sa tingin mo Kathryn may posibilidad bang maiuwi namin yung titulo?..." tanong ko sa kanya. Hindi naman sa nag-aalala ako kung manalo man o matalo kami sa first game namin next week wala na kasi akong maisip na mapaguusapan naming dalawa.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon