Hearstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Daniel's POV:
"...ha?..." Napabuntong-hininga na lang ako kay Kathryn. Sinabi ko kasing siya ang isasama ko ngayon sa relief operation na gagawin ng North Richmond. Nagmeeting kasi ang buong faculty tungkol dito kaningang umaga at napagdesisyunang tumulong sa mga nangangailangan.
Dahil sa habagat na nanalanta sa nakaraang araw maraming mga nalubog sa baha isa na nga daw dito ang kalapit-bayan. Badtrip nga e ilang araw din kasing puro ulan na-kasela na nga ang klase ang kaso nga lang wala ka namang ibang magawa kundi magkulong sa bahay buong araw.
Hindi naman ako pwedeng umalis ng bahay sa kalagitnaan ng lakas ng ulan diba?
Buhay nga naman oo kung kailan ayos na may eepal pa. E di yun nga dahil sa walang tigil ng ulan napakalaking perwisyo ang ginawa ng baha. Lintik na baha yan. Bwisit na Habagat. Ng dahil sa kanilang dalawa mapapasabak na naman kami sa gyera nito -_-
Isa na nga sa mga pasimuno na naman dito e yung mga magagaling na S.C at ang sabi daw "utos" ng office. Malinaw pa sa kabilugan ng buwan na ang "GUSTO" at "MAY BUKAL NA LOOB" lang daw magvolunteer para tumulong para magbigay ng relief goods ang pwedeng sumama... pero kailangan bawat section may representative at dahil sa lintik na SLAVE-SLAVE na yan kasama ako!
Yun ba ang may gutso ha?
Yun ba ang may bukal na loob?
Tss, pambihirang buhay to o... parati na lang akong napipilitang gumawa ng mga bagay na ayaw ko. Nagsabi pang kung "gusto" ko raw ng makakasama na"guto" rin at "bukal sa loob" niya pwedeng-pwede rin siyang sumama sa relief operation namin maya-maya.
Sinong bang may gustong sumama sa mga ganon? Sino bang gustong sumama para magkawang-gawa? At sino bang walang arte sa katawan dahil sigurado lulusng kami nito sa bahay.
Sino nga ba?
Ang magandang tanong e... Sino pa nga ba?
"...ikaw nga Kathryn. Hindi mo ba ako narinig kanina ha? Sinabi ngang ikaw ang isasama ko sa relief operation mamaya..." inis na sabi ko sa kanya. Ang ayoko pa naman e yung paulit-ulit ako kakasabi lang kasi itatanong na aman ulit. Kabadtrip e...
"...O, sige..." nagdadalawang-isip pa yata tong babaeng to. Akala ko ba gustong-gusto niyang akatulong kahit na sa maliit na bagay lang tapos ngayong magiging volunteer na siya para yatang umaayaw na.
"...ano na naman bang problema ha?..." tanong ko sa kanya. Nasa locker area kami ngayong dalawa kakatapos lang kasi ng 2nd subject at break time na namin. Sinabi ko na sa kanya ng maaga para hindi na siya magulat kung mismong oras na aalis na kami. "... ayaw mo bang sumama?..."
"... Gusto..." siya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "...o yun naman pala e.... e bakit ganyan itsura ng mukha mo parang napipilitan ka..." sabi ko. Tinignan niya ako na para bang nagtatanong ang mga mata niya. Umiling lang ako. "... ayoko lang kasing pilitin ka sa ayaw mong gawin,Kathryn..." seryosong sabi ko.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...