Kayo na ba?

25.9K 150 11
                                    

Heartstrings

© Copyright 2013 All Rights Reserved

Daniel's POV:

"...kuya, may tatanong lang ako sayo..." sabi sakin ni Nicole pauwi na kami sa bahay. Ginabi na din kaming dalawa dahil sa tambak ang mga assignments at may quiz pa bukas kaya nag-extend kami ng oras para sa tutorial class ko. Isang oras pa nga lang sakin nababagot na ako tapos dadagdagan pa?

Naku naman.

Tinitext ko sila Katsumi may practice daw kami bukas para sa presentation namin next week.

"...ano yon?..." tanong ko kay Nicky.

Hindi ko pa din inaalis yung tingin ko sa screen ng cellphone ko.

"...ano ba yung naririnig kong rumor don sa campus kanina?..." tanong niya saknin.

Rumor?

Ano naman bang issue yun na tungkol sakin? 

Napatingin ako sa kanya magkatabi nga pala kami ng pwesto ngayon

"...ha?... Rumor?Aba'y malay ko don..." sabi ko sa kanya.

Bakit ko pa pag-aaksayahan ng oras yung mga walang katuturang bagay na yon.

Kaya nga diba rumor? May mapag-usapan lang.

Pampalipas oras kung baga.

"...kailan ka pa nga ba nagkaroon ng interest sa mga chismis sa campus..." sabi niya sakin.

Hindi na siya nagtanong pa sakin alam kasi niya na hindi naman totoo yon. At kung meron man na dapat niyang malaman e... sasabihin ko naman dahil little sis ko yata siya!

Nicole's POV:

Hindi naman siguro sakin magtatago ng secret si kuya Dj. Alam kong kapag meron siyang ginawang kalokohan or what ever sinasabi niya naman sakin for confirmation. Hindi naman siguro ako nahuhuli sa mga balita lalo na kung si kuya ang involved diba?

Duh?

Sister niya kaya ako at dapat ako yung unang makakaalam kung meron nga.

Pero bakit ganon feeling ko may hindi sinasabi sakin si kuya.

Argh! Unfair yon!

Ako na lang mismo ang magdidiscover kung totoo nga ba o hindi.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon