PDA

24.9K 194 69
                                    

Heartstrings

© Copyright 2013 All Rights Reserved

Kathryn's POV:

Tignan lang natin kung anong magiging reaksyon niya sa ginawa ko. Atleast ngayon fair na kami at hindi lang ako ang naghihirap sa kalokohang ginawa niya noh?

Ginusto niya yon e di ibigay....

Nang maramdaman niya naman yung ginawa niya sakin. Tignan lang natin kung hanggang saan siya tatagal. Isip bata kasi e ang parating naiisip puro kalokohan. 

Nasa canteen ako ngayon kumakain ng lunch. Katulad ng dati ako pa rin mag-isa hindi kasi makakasabay si Nicky baka daw matagalan siyang lumabas ng classroom meron kasi silang test ngayon.

Nakakailang subo pa lang ako ng makita siyang papalapit sakin.

Binaba ko agad yung tinidor na hawak ko.

Sakin lang siya nakatingin yung parang kulang na lang mapatay ako sa ginagawa niya... or simply he was giving me a death glare.

Napaiwas na lang ako ng tingin at hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung titig niya sakin. 

Maya-maya may naramdaman na lang akong humawak sa kamay ko at hinila ako patayo. Nagulat ako bigla sa ginawa niya kaya hindi na ako nakapagsalita pa.

Alam kong pinagtitinginan na kami ngayon ng mga tao lalo na nung dumaan pa kaming dalawa don sa hallway. Kung anu-ano na namang sasabihin nila samin lalo na sakin. Ayoko pa naman yung nagiging center of attraction pero sa ginagawa niya ngayon sigurado akong mamaya lang sa ayaw ko't hindi..... kami na ang paguusapan.

Sigh.

"...ano ba! bitawan mo nga ako..." sabi ko habang tinatanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya sakin at kung makakaladkad wagas.

Huminto na kami sa paglalakad at binitawan na niya ako sa wakas.

"...ano to?..." sabi niya sakin mukang galit ang loko.

Tinignan ko siya at hawak niya yung isang papel. Nakita na niya siguro... sa reaksyon ba naman niya ngayon.

"...e di papel. Ano pa ba?..." sagot ko.

Ngayon naman siya ang iinisin ko ng maramdaman niya ang pakiramdan ng pinipilosopo sa araw-araw. 

Nakita kong napahawak na lang siya sa may batok niya sa sobrang galit. Pikon pala to e ....siya tong mahilig mang-asar tapos kapag siya na

Eto kulang na lang umiyak...

"...kung bakit nakalagay dito ang pangalan ko?!!..." galit na sabi niya habang tinuturo yung pangalan niya sa papel na ngayon e lukot na sa panggigigil niya.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon