Heartstrings
Daniel’s POV:
“… kuya, red na yung lights…”
“… kuya DJ…”
“… KUYA DANIEL STOP!!!...” tinapakan ko agad yung preno kung hindi siguro kami nakaseat belt ni Nicky malamang nakasubsob na kami sa dashboard ng sasakyan. Nawala sa loob ko na matulin na pala ang pagpapatakbo ko ng sasakyan.
“… KUYA DJ ANO BA?! PAPATAYIN MO BA AKO SA NERBYOS?!...” sigaw sakin ni Nicole.
Tinignan ko siya agad.
“… ayos ka lang ba?...” tanong ko agad.
She just rolled her eyes.
“… ayos pa naman pero kung hindi kita sinigawan diyan ewan ko na lang…” sarcastic na sagot niya sakin. “… ano bang iniisip mo ha? Kanina ka pa diyan lutang. Alam mo kuya kung wala ka sa katinuan magdrive dapat pala kay manong ako nagpahatid. BV…” inis na sabi nito.
“… alam mo bang reckless driver ka? Ang lakas ng loob mong magpalipad ng sasakyan diyan…” panunumbat niya pa.
“… pwede ba Nicky tumigil ka na…”
Hindi na siya kumibo hanggang sa makarating na kami sa campus. Ng makaparking ako padabog niyang sinarado ang pinto ng sasakyan. Hindi ko napigilan ang sarili kong masigawan din siya kanina. Naiinis pa rin ako sa nangyare kahapon.
==============================
Flash Back….
Nagmadali akong nagmaneho papunta kung saang address sinabi ni Julia sakin kanina. Alam kong merong mali sa kanya ngayon at alam ko ring kailangan niya ako. Hindi ako mapakali hanggang hindi ko siya nakikita. At ng makarating ako sa sinabi niyang lugar bumaba ako agad ng sasakyan.
Private area ang lugar parang mini park ang itsura ng makita ko.
Nagmadali akong hanapin siya at napahinto ako ngmay makita akong babaeng nakaupo.
“… Julia…” nilapitan ko siya agad.
Nakayuko ito ng paalapit ako sa kanya may hawak siyang panyo.
Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya. Ng makita ko ang mga luha sa mata niya galit agad ang naramdaman ko sa taong gumawa non.
“… Julia, anong problema bakit ka umiiyak ha?...” marahan kong tinanong siya.
Tuloy-tuloy pa din ang pagluha niya sa mga oras na yon. Wala akong magawa kundi tignan siya.
“… Daniel… Daniel wala na kami…” Hindi ko na kailangan pang malaman kung bakit nagyare ang hiwalayan. Alam kong si Diego ang tinutukoy niya. Nakwento niya na sakin to bago pa humantong dito.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...
![Heartstrings:The Deal [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/675450-64-k482820.jpg)