Heartstrings
© Copyright 2013 All Rights Reserved
Kathryn's POV:
Katulad ng everyday routine ko, ito ako ngayon papunta na sa school. Dahil sa merong awareness na kailangan na talaga tayong gumawa ng mga paraan para ma-save ang ating mother earth here I'm nakiki-isa sa kanila. Inaamin ko naman na dati nagjejeep ako papunta sa school pero ngayon naglevel up na kung baga dahil meron na akong sariling bike.
Cool na tignan earth friendly pa diba?
Matapos ang marami-raming pagpedal at pagliko sa mga kanto nakarating na din ako sa aking destinasyon.Ang school na kung saan mahigit 2 years pa ang pupunuin ko para makatapos. Konting panahon na lang makakagraduate na ako at mabibigay ko na kay mama yung diploma ko. Konting panahon na lang din magkakaroon na ako ng trabaho para makatulong na ako kay mama sa mga gastusin.
Nilagyan ko na ng lock yung bike ko bago pumasok sa loob dala-dala yung books at bag ko. Maraming mga studyante tulad ko ang palakad-lakad sa may hallway tulad ko. Maaga pa kasi kaya ito naggagala at walang magawa. Nangiti ako nung may napansin kong isang grupo.
"...ano ba san ba talaga tayo pupunta?..."sabay kamot sa ulo hilong-hilo na siguro siya sa mga kasamahan niya.
"...e, sabi ko kasi doon tayo sa may bench e kayo lang naman ang may gusto dito..." sabi nung isang babae.
"...ano pa bang ginagawa natin dito kung ganon naman pala?Tara na nga..." sabay hila sa mga kasama.
Ang gulo-gulo talaga sa loob ng campus dito mo makikita ang iba't-ibang ugali ng mga teenagers ngayon.
Sigh.
Makaalis na nga rin.
Papunta na ako sa building namin ng mapansin kong ang daming taong nagkukumpulan don sa may bulletin board at dalawa lang ang sigurado akong pwedeng rason non
Una, may progam na naman.
At pangalawa may nag-post na naman ng kung anu-ano against sa isa.
Typical high school life.
Aalis na sana ako ng may biglang tumama sa mukha ko napapikit ako sa gulat.
"...ano ba yan..." tinignan ko kung ano mang bagay yon at napansin ko ang isang crumpled paper na nasa libro na yakap-yakap ko.
"...hayy..." kinuha ko at inapon sa pinakamalapit na trash can.
Pumasok na ako sa classroom at pumunta don sa pwesto ko sa tabi ng bintana buti na lang wala pa yung makulit makakapagbasa ako ng matiwasay kahit sandali lang. Nasa kalagitnaan na ako yung tipong parang naiimagine ko na na ikaw yung bidang babae don sa kwento ng may biglang umepal.
BINABASA MO ANG
Heartstrings:The Deal [Completed]
FanfictionHeartstrings [your deepest feelings of love and compassion] Continuation ng fan-fic just click the HEARTSTRINGS: EXTENDED CHAPTERS HEARTSTRINGS: The Deal ONE OF MOST-READ FILIPINO STORIES ON WATTPAD 2014 written by: ilovemitchietorres © Copyright 20...
![Heartstrings:The Deal [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/675450-64-k482820.jpg)