Trophy

24.3K 170 42
                                    

Heartstrings

© Copyright 2013 All Rights Reserved

Kathryn's POV:

Naghahadali akong bumalik kung saan ang meeting place namin. Kakapahinga ko pa lang ng dahil sa pagod ito na naman hinihingal sa kakatakbo. Ang laki-laki kasi ng campus na to nararamdaman ko na ang pagsakit ng binti ko. 

Hayyy...

Nakita ko na silang nakatayo don sa tapat ng office gaya nga ng sabi nung nagbabantay sa aming teacher. Kompleto na sila at ako na lang ang kulang nakakahiya naman pinaghintay ko pa. Binilisan ko na ang paglalak palapit sa kanilang lahat.

"...O, Kath... san ka ba nagpunta ha? diba ang bilin ko sa inyo e bumalik kayo dito agad before 11?..." tanong sakin. Hindi ko naman sila masisi dahil kasalanan ko naman sa simula pa lang. Hindi ko tinignan ang oras.

"...ma'am.. pasenya na po..." napayuko na lang ako pano ba naman lahat sila nakatingin sakin.

"...o, siya tara na... at nang makakain na tayo..." naglakad na kami papuntang canteen. Sagot ng school ang transpo at pagkain namin ngayong araw. Binigyan din kami kanina ng allowance para kung may gusto kaming bilhin. 

Tinabi ko na lang yung sakin ibibigay ko mamaya kay mama paguwi. Meron pa naman akong natirang pandesal pwede nayon mamaya kung sakaling magutom ako. Kailangan magtipid lalo hindi ubos biyaya parati.

Ang dami ng servings ng pagkain dito at mukang masarap lahat ang hirap tuloy pumili. May nahanap na si ma'am na bakanteng table kung saan lahat kami makakauo. Kumain na kami agad para daw mamaya meron kaming energy na gagamitin namin mamaya.

Bigla ko tuloy naalala kanina yun din kasi yung sinabi ni Gino sakin nung binigyan niya ako ng gatorade. Halos ganon din kasi ang pagkakasabi niya. Ng maall ko yung bagay na yon kinuha ko sa bag yung bote at tinignan at bigla na lang may boses akong narinig sa isip ko.

Good Luck...

--------------------------------------------------------------

Nasa gym na kami ngayon grabe mas nakakatense pala kapag alam mong anytime magsisimula na. Hindi ko ma-explain ang naararamdaman ko ngayon doble ang kaba na hindi ko malaman kung ano bang gagawin ko.

Nilibot ko muna yung paningin ko.

Biglang nanghina yata yung tuhod ko sa ginawa kong yon.

Ang daming taong manunuod sa amin. Lahat color-coordinated makikita mo talaga kung anong school sila galing at kung sino ang sinusuportahan nila.

Napansin ko din na ang karamihan e puro tiga Stratford sabagay school nila to kaya malamang  mapupuno ito ng students nila. Humarap na ako don sa may stage at meron akong nakitang lalake tinignan kong mabuti familiar kasi ee...

Si Gino yon ha?

Nasa isang table din siya malapit sa pwesto ko.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon