Hinahanap mo ba ako?

25.2K 152 17
                                    

Heartstrsings

© Copyright 2013 All Rights Reserved

Kathryn's POV:

Pano na ako nito ngayon?

Hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin.

Nalilito na ako kung san ko ba dapat simulan dahil hanggang ngayon wala pa rin akong maisip.

Hanggang ngayon  hindi pa rin ako makatulog.

Nakakainis.

Kinakabahan ako kung ano mang pwedeng mangyare sa 'candidacy' at ang isa pang pinoproblema ko ngayon e kung saan ako kukuha ng budget para don. Wala naman kaming ganong kalaking pera para sa mga gagamitin ko para don sa candidacy. Hindi naman pwedeng mangutang ako dahil madadagdagan pa ang problema ko. Wala akong perang ipangbabayad at kung ipon ko naman.

"....hunderd fifty.. two..... plus three hundred....plus one hundred sixteen....." binasag ko na yung piggy bank ko na dapat ipangbibili ko ng regalo para sa birthday ni mama.

"...kaso kulang pa din e..." tinignan ko sa wallet kung may natabi pa akong pera

. "...allowance ko na to for one week...." naupo ako sa kama habang tinitignan yung perang hawak ko.

"...kung gagastusin ko to... wala na akong ipangbibili ng pagkain...."

"...ARGH!!!! NAKAKAINIS TALAGA!!!!...." napasigaw na lang ako don sa unan sa sobrang gigili ko.

Nahiga na lang ako saglit habang yakap-yakap yung unan.

"...nakakainis...."

Bakit ba kasi yung lalakeng yon siya ang may kasalanan kung bakit ako namromroblema ngayon!

Bumangon ako saglit at binalik na ulit yung pera sa kahon.

"...walang akong mararating nito... ang kalalabasan ko... talo na nga puro kahihiyan pa..." naiisip ko pa lang yung mga kalaban ko parang gusto ko ng maging invisible at humiling na sana may sakit na lang ako sa araw na yon para hindi ko na maranasan lahat ng kahihiyan na tumatakbo ngayon sa utak ko.

Siguradong pinaghahandaan na nila yon ngayon tanggap ko naman kung anong magiging resulta pero nakakahiya pa din kahit anong gawin kong encouragement sa sarili ko na kakayanin ko to wala pa ding silbe.

At higit sa lahat sa tuwing maiisip ko na haharap ako sa maraming tao... Diyos ko po.... nanlalambot na ako.

"...ano ng gagawin ko?..." tanong ko sa sarili ko.

Kanina pa ako dito nagmumuni-muni kung ano bang magandang plano pero wala pa ring pumapasok sa isip ko kahit isa.

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon