Heartstrings -editing-

23.4K 137 31
                                        

Ms. Royalty meets Ms. Reality cover on the side -->

-------------------------

Heartsrtings

© Copyright 2013 All Rights Reserved

Kathryn's POV:

Pumunta siya sa may likuran ko at inabot sakin ang bola galing sa likod.  "... anong ginagawa mo?..." tanong ko sa kanya. Halos magkalapit na kasi yung katawan namin sa isa't-isa pero para sakin wala namang malisya yon ang kaso nga lang ang daming taong makakakita. Ang iniispi ko e kung anong iisipin nila saming dalawa.

Hinawak niya agad yung kamay ko kaya ako natigilan sa ginawa niya. "... relax lang... tuturuan lang kita wag kang magalala wala akong gagawin sayo magtiwala ka lang sakin..." bulong niya sakin. Grabe parang nakaramdam ako ng kung ano sa katawan ko non na hindi ko maexplain. Kathryn, relax ka lang.... si Daniel lang yan wala naman siguro siyang kalokohang gagawin ngayon diba?...

"... hawakan mo yung bola gamit ang mga daliri mo..." sabi niya habang dinedemonstrate sakin kung pano ba ang gagawin. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko habang pinakikinggan ko siya. Bakit ganon kahit anong gawin ko e hindi pa rin maalis sa isip ko kung gano kami kalapit sa isa't-isa?

Napansin ko ang mga tao sa loob ng gym. Ang dami na nila kung ikukumpara kanina. Ito na nga ba ang sinasabi ko e na makikita ako ng lahat kung pano maglaro ng basketball ang hindi marunong na katulad ko. Kinabahan ako bigla lalo na nung nakita kng nakatingin sila sa direksyon ko.  

"... tandaan mo na dapat hindi sasayad sa palad mo..." narinig kong sinabi ni Daniel sa akin.  "... o bakit anong problema?..." nagaalalang tanong niya. Binitawan niya muna ang kamay ko saglit maya-maya nagsalita na siya ulit. "... relax ka lang... hindi mo mashoshoot ang bola kung kabado ka..." sabi niya. Tama nga naman siya kung papatalo ako sa kaba walang mangyayare sakin kundi  pahiyain ang sarili ko sa harap nilang lahat.

Nagnod ako sa kanya para malaman niyang nakikinig ako sa sinabi niya.  "... bend mo ng konti ang tuhod mo.... yan ganyan nga..." hinawakn niya ulit yung kamay ko at dahan-dahan na ginuide kung pano ang tamang position.. ".... dahan-dahan mong irelease yung bola... at shoot..." sabay naming nirelease ang bola kasabay din non ang excitement kung anong magiging resulta ng one-on-one tutorial naming dalawa....

Tinignan ko yung bola hanggang sa tumama na ito sa board....

Ganito ba ang nararamdaman ng mga players kapag nasa game na sila. Yung pakiramdam na may halong excitement at kaba kung pasok ba o hindi ang shoot nila?...

".... YES!!!!..."

Napasigaw ako sa sobrang tuwa ng makita kong nashoot ko ang bola. Akalain niyo yon nakakashoot ako? Hindi ko naman expected na ganon ang mangyare pero hindi ko maalis ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko na napigilan na magtatalon sa sobrang tuwa at hindi ko na namalayan ang sumunod na pangyayare....

Heartstrings:The Deal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon